aswang
naniniwala po ba kayo sa aswang? kasi kagabe init na init ako. pag tingin ko sa bintana may nakatambay na pusa.

yes po momshie.. ako po naniniwala ako... dahil nung first pregnancy ko... andun kami sa bahay ng hubby ko ang sabi saken ng mga kapatid nya twing nandodoon daw kame palage lumalabas at umuungol yung pusa sa labas pero pag wala kami doon wala naman daw yung ganung pusa... isa pa po during pregnancy ko nun pumasok ako ng cr para maligo tapos iba talaga pakiramdaman ko dun sa pusa kasi sobrang lakas ng pag ungol nya nung nasa cr ako kaya lumabas agad ako nun... kinabukasan po nagkagulo yung mga kapit bahay nagtanungan sila kung may buntis ba sa bahay ng asawa ko kasi ilang bahay po yung napakinggan nila na may parang tumatawid sa bubungan nila... at may iba pa din kasing buntis sa kalapit na bahay... kaya ginawa ng mga kapatid ng asawa ko nilagyan nila ng asin yung bintana at pinto pati sa cr nagsabit din ng rosary sa pinto... ingat nalang po tayo momshie... totoo man po o hindi palage tayo mag ingat... yan po experience ko... na share ko lang po kasi laking takot ko din nyan nung time na yun... ps. lage ka po pala mag suot ng pulang damit lalo na sa pagtulog
Magbasa pa

