Naniniwala ba kayo sa "usog"?
91 Replies
Latest
Recommended
Magsulat ng reply
Yes po. Ako na matanda palagi pa akong nauusog. One time dumating tita ko at binati nya ko pero di ko sya pinansin kasi kagigising ko lang nun. Kinagabihan sama na ng pakiramdam ko sukang suka ako tas nilagnat. Hanggang kinabuksan ganun padin. Sabi ng hubby ko magpahilot sa lola nya na manggagamot at baka nauusog nga ako. Di ako naniniwala e kasi naman tandang tanda ko na saka tita ko yung dumating. Pero sinunod ko padin hubby ko. Pagkapunta ko kay lola yun nga nauusog daw ako may bumati daw sakin na di ko pinansin. Tas naalala ko nga tita ko na dumating bumati sakin at di ko pinansin. Pagkatapos kong hilutin ay para lang akong nagdahilan nawala lagnat ko at bumalik kulay ko kasi putlang putla ako non.
Magbasa paRelated Questions
Trending na Tanong