bala

Naniniwala ba kayo sa aswang? Kung oo pwede ba pangontra ung bala na hindi pa nagagamit? Im 6months preggy po magisa lang po akong natutulog sa taas namin then wala po ung husband ko nasa ibang bansa po.

54 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako sis naniniwala. Nung buntis ako daming nangyare sqn. Lagi ako nananaginip ng kamay na itim binabaon ung kuku sa tiyan ko.pag gising ko naramdaman ko tlga na parang masakit ung bandang tiyan ko. Lagi un tuwing gabi nanaginip ako ng itim na kamay na May mahabang kuku. Kaya tumatagilid ako ng higa. One time umuwi kame ni mister galing Q.C lasing xa. Nakatalikod ako sa knia habang nakahiga. May malikot Sa ilalim ng unan ko. Hinayaan ko lng dhl akala ko kamay ng mister ko ilalagay sa ilalim ng unan ko. Eh parang ang tagal Pag lingon ko Sa knia tulog na tulog at nakatalikod din pla sqn. Tapos parang May nrinig akong kumaluskos mula sa unan ko palayo na parang kamay na pinanlakad kuku. Mula nun naglalagay na ko ng holy water sa tiyan ko tuwing matutulog sign na krus mula nun hindi na ko na na experienced ult un. Pero isang gabi nung nakapatong ung kamay ko sa tiyan ko. Un ung ginawang way ng Aswang para ipitin ang tiyan ko gamit ung kamay ko. So pati kamay ko nilalagyan ko na Din ng holy water

Magbasa pa

Ako gabi gabi inaaswang pero since nung June 13 naglagay na ako ng bawang sa bintana at pinto ng asin pati bubong. pero nung June 14, 1:30am kinalabog nila pinto namin tpos bubong namin mga ilang minuto may mga pusa na nagkukumpulan sa mismong tapat mg bahay namin buti di na nilabas ng mister ko kasi natatakot na tlga ko. kaya kinabukasan sinabi namin sa parents ko. nagalit daw yung mga yon kasi naglagay ako pangontra na dati di ko naman ginagawa kaya di n nila maamoy si baby. kaya sila mama naglagay ng luya, bawang at mga 5cents sa bintana also rosaryo. tpos naglagay din ng tingting na may nakabuhol na pulang sinulid sa dulo. nagsasaboy din ng asin sa bubong saka sa mga pintuan. nagtatakip din ako nga mga black shirt ng asawa ko sa tyan ko kapag matutulog tpos pray lang ng pray.

Magbasa pa

mag lagay po kayo ng bagakay sa bobong nyo po incase di nyo po alam yong bagakay isa po yong bamboo na panguntra po talaga sa mga aswang yan po yong panguntra ko nong nag bubuntis palang po ako kasi same den po tayo mag isa lang den po sa bahay. at mag alaga den po kayo ng pusa, ang pusa po kasi ang nag tataboy ng masamang nilalang na hindi po natin nakikita wag den po mawawala yong panalangin bawat oras, yon lang po ka mommies ingat kayo always ng baby mo.

Magbasa pa
3y ago

ganyan Din ginawa Ng mama ko nung nag bubuntis ako. bawat sulok Ng bahay Meron nyan at kilangan matulis. 😃

Pwede po mga silver o nakakasilaw na bagay. Mgtabi ka po kutsilyo pero ingatan mo na hnd makaka disgrasya.. And tagilid ka matulog. Pwede ka din lagay ng binalot na bawang at asin sa tyan mo itali ng sinulid. Wag ka magpatay ng ilaw. ☺ at higit sa lahat pray ang panlaban. Yan lang din turo sakin ng matatanda pero wala naman masama kung maniniwala unless d nakakasama. Godbless you sis. 🙏😊

Magbasa pa

Hindi ko na experience to kasi work from home ako at 25weeks. Gising ako sa gabi tulog sa umaga kasi call center agent. 😆 Ung customer namin feeling entitled ang mga matitinding aswang. Pero wag mong iniistress sarili mo mommy. Always pray. Yung mga kasama ko lang sa bahay ang nagsabing may "sigbin" isang gabi. Pero ako walang pakels. 😊

Magbasa pa

ako po my buntot page sa tabi ko kasi minsan kapag ako lang sa bhay my naririnig akong sumusutsut tapos tinatawag pangalan ko pag silip ko wala namang tao kaya pinaheram ako ng kuya ko ng buntot page ng asawa nya nung nag bubuntis pa para di daw ako asuwangen ngayun 9 months preggy na w8ting nalang lumabas si baby girl ko.

Magbasa pa

yes,na experience ko yan nawalan ako baby 2006,after nun mung nagbuntis ako ngtatapal ako damit na itim sa tyan ko bgo matulog ska ngpabili ako buntot ng pagi kasi ayw ko maulit mangyri..ung tiktik ung katok sa pintuan,kalabog sa bubong ska ung pggcmg ko dati way back 2006 may pusa sa ilalim ng kama nmin..

Magbasa pa

alisin mo po ung polbora delikado po yan. pangontra s lht ang bala. asin bawang lng nsa tabi ko s pinto nmin walis tingting na nakabliktad. kc aq naniniwla.s gnyn dhl non buntis ate ko aq msmo nkakita. ung bala kht s mga kulam o iba p n d nkkta pngontra dn daw po yan. pro alisn mo ng powder pra safe po.

Magbasa pa

kapag d matibay paniniwala mo sa dios naniwala ka sa mga ganyan,..ako 32 weeks na ako natutulog mag isa sa bukid wala naman..mas nakakatakot pa covid kesa sa ganyan,wag masstress dahil lang sa paniniwala ng aswang tas sisisihin mo aswang pag may nangyari sa baby..prayers is the key naman sa ganyan

hindi ako naniniwala. pero dahil nakunan nako dati. ginawa konalang wala namang mawawala. naglagay ako ng asin sa bintana lalo na kung san ka natutulog sa kwarto pangontra daw po yun or kahit sa pintuan ng bahay. atska dasal gabi gabi kay papa jesus bago matulog. yun yung ginagawa ko.