misa lala profile icon
PlatinumPlatinum

misa lala, Philippines

Contributor

About misa lala

Make the world a better place.

My Orders
Posts(6)
Replies(102)
Articles(0)
undefined profile icon
Write a reply

Akala ko...

Sharing my today's experience and hoping other new mommies will learn from it. Pasintabi po sa mga kumakain. Alas singko ng umaga nakaramdam ako ng pagpopoop. I am at 21 weeks now. Alam naman natin na ung constipation eh common sa pregnancy. This time around, nag cr ako at unang poop ko eh bilog lang. Ramdam ko na meron pa kaya pinilit ko. May lumabas na nman another bilog. Gustong gusto ko ilabas lahat pero ang tigas talaga. Kinapa ko pa at alam mo ung andun sila sa may pwetan mo na at alam mong pag nailabas mo lahat eh sarap sa feeling. Grabe isang oras ako sa cr. Kung ano anong position ginawa ko mailabas lang ang matigas na mga poop gang ramdam kong nangangalay na balakang at paa ko. After an hour sabi ko ayaw ko na, ramdam ko ung natitirang poop na unting push na lang sana ay lalabas na kaso di ko na pinilit pa. Pagtayo ko namaga na pwerta ko. After nun naisipan kong lumabas kasama si hubby para bumili ng papaya at almusal. Pag uwi namin, umupo ako para kumain at biglang kasabay nun may lumabas na tubig! Hindi ihi, tubig na clear lang talaga sya. Tinignan ko nabasa nga panty ko. Kasabay nun eh unting dugo. Ung parang naghalo na ang dugo sa tubig, ganun kulay nya. Sabi ko kay hubby samahan ako pa check up after naming kumain. Pigil ung luha ko habang nasa jeep. Sa isip ko baka pumutok na panubigan ko at kailangan ng ilabas si baby 😭. Pangalawa kako kung sakaling ma ospital ako eh wala pa kaming budget. Mag si 6months pa lang ako. Pagdating sa clinic, wala ung OB ko. Nung sinabi ko sa midwife kung bakit ako napasugod pinapasok ako agad sa room ni Doc kahit wala sya at in-IE ako. Kaloka sakit pala nun..buong kamay nya pinasok sa pepe. Buti naman daw close ung cervix. Nalaman din yang may whitish discharge ako. Hindi daw normal yun. Kala ko normal lang kasi di naman ako nangangati at wala naman akong naaamoy. Buwan na akong may discharge. Pangalawa eh sobrang naninigas daw tyan ko, contraction daw yun. Na akala ko naman normal lang kasi nakakaramdam ako ng ganun lage pagnapopoop. Tinawagan nya si doc para malaman kung ano next kung gagawin. Pinag ultrasound ako dahil hindi mahanap ng midwife ung heartbeat ni baby gamit ang doppler. Sa ultrasound, thank GOD. Si baby gumagalaw galaw, 152bpm heartbeat at ang gender ay naconfirm. Higit sa lahat ung panubigan ko ay okay pa. 🥲 Niresetahan ako ng gamot for contraction and vaginal infection. Lesson learned..wag piliting tumae dahil isang napakalaking istress iyon. Uminom lang ng maraming tubig, gulay at prutas lang muna. Praying for all mommies out here to have a safe delivery. 🙏 #firstpregnancy #constipation

Read more
undefined profile icon
Write a reply