bala

Naniniwala ba kayo sa aswang? Kung oo pwede ba pangontra ung bala na hindi pa nagagamit? Im 6months preggy po magisa lang po akong natutulog sa taas namin then wala po ung husband ko nasa ibang bansa po.

54 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wag ka maniwala dyan. Maniwala ka sa akin. Nakatira lang naman kami malapit sa sementeryo. Wala din kaming kalapit bahay. Madami pa siwang bahay namin dito sa probinsya. Wala pa naman nangyayari sa akin. 4 mos preggy ako. Kaya wag mo masyado yan iniisip baka mastress ka lang...

VIP Member

Saan ba yung place mo mumsh. Kung hindi naman probinsya, wala naman sigurong aaswang sayo pero for your safety nalang din, magpasama ka sa bahay niyo kahit mga kapatid mo lang or pinsan. Mas okay na rin kasi yung may companion ka.

maglagay po kayo ng bigas at asin sa tabi ninyo di kaya sa bintana nyo if may buntot pagi kayo lagay nyo lang sa tabi ninyo wag nyo ihihiwalay sainyo kada matutulog kayo mag lagay kayo ng pulang tela sa ibabaw ng tyan ninyo

5y ago

Ewan ko sa inyo kanya kanya naman tayo ng paniniwala e. Basta ang kelangan respetuhin lang ng isat isa ang bawat opinyon ng nandidito

Nagagalit asawa ko nung nagkwento ako na may mabigat sa bubong nung mag isa lang ako sabi ko kase baka aswang, ang ginawa ko nalang nilagyan ko ng bawang at asin ung bintana na tabi ng kama namin ng di nia alam hehe.

Dapat daw yung mga damit ng buntis di iniiwan sa labas, mabango daw kasi ang tyan ng buntis. Tapos pag aalis sa bahay 3 palito ng posporo sa bulsa. Well, pamahiin sya pero walang mawawala kung susunod. 🤗

ako po naniniwala 😇 2mons preg at maselan nag spotting po ako ... may pangontra ako Bala ng armalite . namay asin bawang kalamansi at upos ng sigarilyo ☺ binalot sa pulang tela tas bandang tiyan sya nakalagay ....

3y ago

punta ka sa ob mo momsh may explanation po bakit ka nag spotting ,hindi po pangontra binibigay ng ob kundi pampakapit po . i hope you're okay

dipende po tlga sa paniniwala ng tao,dto samin dati meron daw aswang,pero di naman alo naniniwala ang ginagawa ko lang bago matulog,kinakausap ko ang dyos na gabayan kami ni baby sa pagtulog😊😊

Yes totoo yan aswang kasi ako mismo ang nakarinig nung hindi pa ako buntis, ngayon 20weeks na akong buntis Gabi gabi ako nag soot ng maiyim na damit at palagi ko dala2 yung lana na galing pa siquijor,

VIP Member

Ako sis, mula simula kong magng preggy lagi lng ako mag isa sa bhy pag gabi, pang gabi kasi duty ng asawa ko. May bala ako, bawang, asin, holy water. Meron sa side ng kama at sa lahat ng bintana namin.

I live in province and yung partner ko nasa ibang bansa mag isa din ako sa apartment pero never ko pang ma experience yan, kung may aswang man di rin nman sya mkakapasok dahil wala syang malulusutan.