Gender dream

Naniniwala ba kayo mga momsh na totoo ang gender dreams pag buntis ka? Pag boy nasa dream mo boy ang dinadala mo and vice versa. May naka experience na ba sa inyo nito? #pregnancydream #pregnant

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Naniniwala tlaga ako dito momsh. Share ko experience ko, around 3 months pregnant ako nun akala ko tlaga baby boy pnagbbuntis ko then nanagnip ako na nakaupo ako then may karga akong batang baby girl, d ko masyadong pnansin pnagnip ko na yun. Then after one month, nanagnip ako gusto ko daw tlagang kmain ng ice cream (gelato something yung may mga pagpipilian kang ibat ibang flavors), pmunta ako mag isa sa mall then pagdating ko puro pink ang mga ice cream sabi ko pa daw "kuya wala na bang ibang flavor? bat iisa lang lahat?" sagot ni kuya sakin "yan lang tlaga ang available para sayo mam". Nkalimutan ko na yung dream na yun not until nung nlaman na ang gender sa ultrasound baby girl na-amaze ako kasi totoong totoo ang dalawa kong pnagnip. Never dn ako nanagnip ng baby boy.

Magbasa pa
VIP Member

In my case, NO po. I had 3 dreams about my baby being a BABY BOY, kaya yun na din talaga ang akala ko. pero nubg nagpa-ultrasound ako ITS A GIRL! hehehe kaya wag po tayo maniwala or umasa sa dreams natin. (although Im not disappointed na girl ang baby ko kasi yun talaga ang gusto ko. Yung asawa ko ang medyo nalungkot nung una pero ngayon we are both excited to meet our baby girl. 💖

Magbasa pa

hindi totoo sakin. ako dati wala ako prefer na gender pero pag nagiimagine ako na may anak ako, ang laging nasa imagination ko is baby boy. hanggang sa nabuntis ako, laging nasa isip ko is boy. kahit sa panaginip ko rin. pero wala talaga akong preferred na gender. kahit ano, okay lang sakin. kusa lang talaga ung utak ko na boy ung naiimagine ko. pero babae naging anak ko 😆

Magbasa pa
4y ago

kaya nga e. partner and mama ko kasi gusto rin boy. sabi ko pa nga baka mamaya girl to tas napepressure na kasi naririnig na gusto nyo ng boy. hahaha ayun, girl ngq talaga sya

Ako unang baby ko babae napanaginipan ko till now Nanaginip ako ng girl sa second baby ko tpos sa unang ultrasound sabi sakin 60% lamang yung boy so inassume na nsmin na boy si baby nagpa gender reveal pa kmi ang ending this week nag paultz kami girl sya kask suhi parin si baby @29weeks Kya sana praying na umikot sya... Tama mga panaginip ko

Magbasa pa
VIP Member

ako naman hindi pq buntis nag plaplano palang kmi girl na nasa isip namin gang sa nagpatattoo na si lip ng baby girl sa kamay nya tas nung nabuntis aq girl lagi panaginip ko,tas nag pagender reveal kami girl nga 😁

3 times ako nanaginip na boy ang baby ko kaya inexpect ko girl parin ito kasi kabaliktaran sabi ko,pero yung hubby at panganay ko malakas ang panalangin na boy na ito.Voila,answered prayer mag ama ko,boy nga.😍😍

VIP Member

napanaginipan ko din boy. tas sa susunod na panaginip ko, girl naman. hahaha pero more on boy yung napapanaginipan ko. Dipa kasi ako nakapagpaultrasound. Sana nga boy. yun kasi gusto ni hubby eh. hehe #firsttimemom

si hubby ang nagkaroon ng dream..noong una girl tapos before ako magpaUTZ boy daw...girl naman result which is we are all happy..pero pakiramdam ko din girl..tumama mommy instinct ko😊

4y ago

Ako naman girl nasa dream ko kagabi kaya na curious ako at nagbasa basa online. Nakakatuwa din pag nagkakatotoo ang dream 😊

VIP Member

totoo po.. a day before ako magpa ultrasound nanaginip ako na yung baby ko daw nag ba-ballet..😅eh ineexpect pa naman namin baby boy.. pagka ultrasound sakin 80% baby girl 🤣

naexperience ko naman.unang ultrasound sakin probably girl so dpa tlga sure. nun ilang weeks pinaulit nanaginip ako nun morning na boy daw.. pag ultrasound boy nga hahah..