Giving Birth Stories

May nangyari ba sa'yong "weird" habang nanganganak? Do you remember anything or knock out ka ba?

Giving Birth Stories
37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Happened with my 3rd baby. So ang regular check up ko noon is sa Fabella Hospital, EDD ko that time is Dec 5. Nov 23 need namin pumunta ng Las Piñas para mag asikaso ng mga importanteng papers. Nov 24, nag aasikaso na kami para umuwi nung naramdaman ko na naglelabor ako. Wala kaming dalang gamit ng baby, so habang naglelabor ako, naghanap kami ng pwedeng bilhan ng gamit ng baby at kung san ako pwede manganak 😅 Nakamotor pa kami nun, so imagine, naglelabor ako habang naandar yung motor 🤣 Pinagtitinginan ako ng mga tao sa dept store na pinuntahan namin kase sobrang in pain na talaga ako 😂 Buti na lang may malapit na lying in dun sa dept store na pinuntahan namin at tinanggap ako agad 💗

Magbasa pa