Nambabae asawa Ko Pero Mahal Ko Parin

Nanganak ako ng Sept 8, 2019 wala ang asawa ko kasi nasa abroad sa NZ, 1 week after ko nanganak umuwi siya sa bahay September 18 morning pero di ko alam na uuwi pala siya so ang nangyari sinisurprise daw niya ako, ang saya ko that time dahil akala ko umuwi nga siya para sa akin dahil bagong panganak ako, 4 days later parang may doubt ako na biglang umuwi na hindi nagsasabi, sakto that time iniwan niya cp niya sa kwarto namin tiningnan ko, naku po laking gulat ko may nakalagay ASAWA KO sa messenger niya yun pala babae niya, doon kasi sa messenger niya ang name ko sa kanya My Wife, kaya nagtaka ako yun pala babae niya yun ang nagsundo sa kanya, nalaman ko nung September 17 pala siya dumating ng 11am, isang araw ang asawa ko pala sa pinas na nasa ibang babae bago umuwi sa akin,, nung nabasa lahat ng convo nila ang sakit sakit sa pakiramdam halos mamamatay ako sa kakaiyak bagong anak pa naman ako at CS pa buong gabi ako umiyak palagi ko nalang niyayakap si baby para gumaan ang pakiramdam ko ,, humingi siya ng tawad sa akin , bigyan ko daw siya ng second chance na tukso lang daw siya, kami daw ni baby ang pipiliin niya at kami daw ang mahal niya,,, naging mahina lang daw siya,, after 2 days tinanggap ko parin siya dahil mahal ko siya at ayaw ko lumaki anak namin na walang ama, Tama kaya ang naging decision ang patawarin siya at bigyan ng second chance,,,? Hanggang ngayon marami paring BAKIT ang tumatakbo sa isp ko kung Bakit ako niluko,,,

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

If nakikita mo naman na nagsisisi siya and nageeffort then siguro tama nga yung desisyon mo. Kaya lang dapat matanggap mo and mapatawad siya ulit ng buong buo kasi forever mo na siyang idodoubt and pagdududahan eh kasi nawala na yung trust mo sakanya. Nakakaparanoid yan pero pag siguro nakita mo na yung assurance ulit from him, i think makakaya niyo naman yan lagpasan. Basta pag inulit niya ulit eh goodbye na dapat and kasuhan mo na. Suck him dry, kasal naman ata kayo eh. Anyway, I'm hoping that you made the right decision. Pray lang mommy, it'll all be better in time.

Magbasa pa

Para sakin momsh..Okay lang siguro na makisama kasa kanya for baby...tingnan mopo muna kung nagbabago naba talaga huwag na agad tiwala..kung nakita mo sincerity nya why not bigyan ng chance..para maging buo uli pamilya nyo..pero pagka Inulit pa po nya tapos pinatawad mo uli parang hindi napo yon tama..pag isipan nyo po mabuti😊😀 Good luck!

Magbasa pa

Lahat naman po deserve ng second chance, pero pag naulit ulit with the same mistake, mali naman na po na pag bigyan ulit. Focus ka muna kay baby mamii, delikado mabinat ka lalot cs ka. Praying for youuu!

Kung nag eeffort naman siyang magbago, bigyan mo ng chance pero be careful momshie. I know mahirap kasi nawasak yung tiwala mo. Ingat-ingat din! San ba sa NZ iyan, ng mabigyan ng leksyon? Just kidding.

Jusme nabasa ko p lng yung caption .. naisip ko agad " isa pang tanga " sorry for the words pero katangahan nlng tlga yung niloko kana tapos mahal mo pa.. wag gnun nkakababa ng pag kababae 😒

5y ago

Hindi mo naman maiiwasan yan, walang mali sa pagmahal sa isang tao. Di naman agad basta basta mawawala yung pagmamahal.

Dont stress out mommy, kung nalulungkot ka tingin ka lang kay baby. Gain ka muna ng lakas tsaka mo kumprontahin. Kausapin mo ng masinsinan. Bawal ka muna ma stress baka mauwe sa PPD yan.

Yes kung nakikita mo naman sis kung deserve nya ang second chance why not. At ikaw ang nakaka alam sa asawa mo. Ngayon pag inulit nya ulit sis mag decide kana.👍🙏🏼

VIP Member

Naiyak naman ako sa kwento mo sis. Kung kaya naman magbago yes bigyan mo pa ng chance pero kung inulit ulit magdesisyon kana.. Pakatatag ka sis

Aq din ilang beses qna nahuli lip sa ex nya p peru tinnggap q p dn kc kmi dw pinili nya. Mhl q kc e at gsto q buo kmi..at pra sa anak nmin..

Naku moms I feel you! Ngayon yan ang pinagdadaanan ko sobrang sakit talaga! Pakatatag nalang tayo at kapit tayo k Lord🙏