Nambabae asawa Ko Pero Mahal Ko Parin

Nanganak ako ng Sept 8, 2019 wala ang asawa ko kasi nasa abroad sa NZ, 1 week after ko nanganak umuwi siya sa bahay September 18 morning pero di ko alam na uuwi pala siya so ang nangyari sinisurprise daw niya ako, ang saya ko that time dahil akala ko umuwi nga siya para sa akin dahil bagong panganak ako, 4 days later parang may doubt ako na biglang umuwi na hindi nagsasabi, sakto that time iniwan niya cp niya sa kwarto namin tiningnan ko, naku po laking gulat ko may nakalagay ASAWA KO sa messenger niya yun pala babae niya, doon kasi sa messenger niya ang name ko sa kanya My Wife, kaya nagtaka ako yun pala babae niya yun ang nagsundo sa kanya, nalaman ko nung September 17 pala siya dumating ng 11am, isang araw ang asawa ko pala sa pinas na nasa ibang babae bago umuwi sa akin,, nung nabasa lahat ng convo nila ang sakit sakit sa pakiramdam halos mamamatay ako sa kakaiyak bagong anak pa naman ako at CS pa buong gabi ako umiyak palagi ko nalang niyayakap si baby para gumaan ang pakiramdam ko ,, humingi siya ng tawad sa akin , bigyan ko daw siya ng second chance na tukso lang daw siya, kami daw ni baby ang pipiliin niya at kami daw ang mahal niya,,, naging mahina lang daw siya,, after 2 days tinanggap ko parin siya dahil mahal ko siya at ayaw ko lumaki anak namin na walang ama, Tama kaya ang naging decision ang patawarin siya at bigyan ng second chance,,,? Hanggang ngayon marami paring BAKIT ang tumatakbo sa isp ko kung Bakit ako niluko,,,

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ok lang na bigyan ng 2nd chance tingnan mo kung magbabago pero kung hindi magbago kung ganun pa din yun hiwalayan mo na