Induce Labor
Name:Aiyesha Carys Weight : 3.055kg DOB:June 8 2020 EDD:June 15 2020 Via: Induce Labor but Normal delivery Momshies, share ko lang experience ko sa pag panganak.. June 5,sa araw ng birthday kO may lumalabas sa akin na kulay brown at saka sumasakit na din balakang ko... Kaya nag panic ako baka ito na ang araw lumalabas c baby sa araw ng birthday kO. Baka maki birthday din c baby sa akin.. Ito talagang wala pang karanasan kong ano talaga ang tunay na naglalabor.. Kaya pumunta agad kami ng hospital ni hubby kasama auntie ko.. At doon ini IE ako pero close pa daw cervix ko..gusto sana naming umuwi kaso lang ayaw kami pauwiin ng doctor kasi daw 41 weeks na daw ako.. Kaya wala kaming magawa. .inip na inip na talaga ako gusto ko ng lumabas c baby ayaw kong ma cs.. Na wawala ang pananakit ng balakang ko.. Nakakaiinip talaga.. Lakad ako ng lakad sa hospital, nag squat ako pero still close parin EH.. Marami na kaming mga kasamahan sa hospital na mas huli pa sa akin nag nag Silabas na EH ..maiingit ako sa mga baby na umiiyak.. Buti pa sila nakaraos na.. Ako ako close pa rin. Pinaka ayaw ko na man man ang mag tagal sa hospital.. 3 days kami doon na close parin cervix.. Maraming nagtatanong hindi pa ba daw ako na nganganak.. Parang na walan talaga ako ng pag asa.. Iyak ako ng iyak.. Na wala na rin ang gana kong mag mag lakad lakad at mag squat wala ring nangyari. ..pati si hubby nakita ko sa mukha nya ang labis na kalungkutan.. June 7, ng hapon ina IE ako ulit. Nako sumasakit na pempem ko sa ka IE nila close parin. .kaya tinurokan ako nila ng gamot para makatulong na bumuka ang cervix ko at pampahilab sa tyan ko (enduce labor) ... Sabi ng OB kong di pa ako manganganak bukas mapilitan silang e cs ako kasi over due na dw ako.. Ayaw kong ma cs.. Nag dasal ako na sana open na cervix ko at kina usap ko c baby na tulungan nya ako, pati c hubby kina usap nya c baby.. Pagkatapos nila akong tinurokan ng gamot at doon may naramdaman ako na humihilab ang tyan ko.. Grabe ang sakit at para ako nilalagnat ang init ng katawan ko.. At ang sakit ng balakang at tyan ko... Sakit na gusto kong suntokin ang kama.. Gusto kong ipatanggal kong Anomang itinurok nila sa akin para di ko makayanan talaga ang sakit.. Buti na lang nandyan c hubby sa tabi ko... Wala talaga akong tulog sa gabi na iyon. Gustohin ko mang ma tulog pero magising din MN ako sa sakit.. June 8 ,9 am pinapunta ako sa labor room para e IE ulit.. Nasa 2 cm na ako, masaya ako dahil sa wakas open na cervix ko.. Pero pina putok ni OB ang panubigan ko at doon na lalaman na nag simula ng ng poop c baby sa loob.. Kaya nilagyan na nila ako ng dextrose at hindi na pinabalik sa bed namin.. Grabe ang sakit pala ng labor lAlo na enduce labor ako.. Para ako ma walan ng malay.. Parang pumikit ata ang mga mata ko sa sakit.. Pero nag dasal ako na sana malampasan ko to lahat at inisip ko c baby gusto ko pa syang makasama.. Hindi nila ako pinakain baka daw e cs ako pag di pa ako ma nganak ngayon.. Dios ko huwag sana... Sumakit ng sumakit ang tyan ko .palagi na lang ako naka tingin sa oras.. 6:27pm lumalabas c baby akala ko ma cs na talaga ako.. Thank you lord.. Kaya Momshies, pray lang po tayo kay God.. Makayanan natin ang sakit.. Akala ko nga mamatay na ako pero parang may gumising sa akin na huwag e pikit ang aking mga mata.. Thank you mga momshies, and god bless to us.. ..
Mama of 2 playful superhero