Welcome Baby Aerin💕

Name: AERIN ALMASCO KATON EDD: Aug 30, 2020 DOB: Aug 24, 2020 Via Normal Vaginal Delivery Aug 15 nag false labor ako 1-2cm palang then Aug 23 palang ng 5pm sumasakit na ung balakang at puson ko pero keribels ko pa kaya nag simba pa kami ng MIL at ni hubby. Aug 24 ng madaling araw dumagdag ung sakit sa balakang ko pero nawawala wala din kapaghinihiga ko then nung 7am naglakad pa kami ni hubby para bumili ng pandesal pinilit ko ilakad kahit masakit na sya at nagdecide kami na mag pa IE para macheck nung una ayaw ko kasi nga baka false labor na naman.. before lunch nag punta na kami sa Lying-in para magpa ie WALA SI DOC dahil bday nya at sakto namatay mother nya pero may papalit sa kanya na Ob then after ng ie 3-4cm na daw ako at nag decide na kmi na magpa admit na doon, pagtapos ng laboratory ehh ang baba daw ng dugo ko kaya sinabihan kami na mag ready na ng 1bag ng blood at lumipat sa Hospital para mas safe. Ayun ang sakit na talaga ng puson at balakang ko naka ilang ie pa ang nangyari umabot pa ako ng 6pm bago ako nag 7-8cm naka ilang squats pa ako sa room gusto ko na mag pa CS para lang matapos ang paghihirap ko pero sabi ng Ob ko na bago eh kayang kaya naman daw i normal. Sa Delivery room halos mahimatay na ako kakaire mga pang anim na ire at dalawang hiwa lumabas na si baby.. then salin agad ng 2bags ng dugo.. grabeee ang hirap maging nanay 😭😭😭 pero nung nakita ko si baby nawala lahat ng sakit 😭😭 THANKYOU LORD, sa hubby ko at sa supportive family and friends.. #1stpregnnt #theasianparentph #1stimemom

Welcome Baby Aerin💕
42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Congrats mommy! Nakaraos ka rin sa wakas..Happy parenting po! Hello din ky babyyy wag mo puyatin c mommy ha hehe.Godbless po😘😘😘

congrats po...same po tayo ng EDD .. kaso ako still waiting.. wala pang paramdam na Lalabas na ba sya..Sana makaraos na din

congrats po ❤ may tanung lang po ako kung sa hospital kayo nanganak nagparapid test pa kayo?

4y ago

Hindi po.. wala pong case sa amon n nka admit sa Hospital

Super Mum

Good job mommy, na-inormal delivery mo si baby! congratulations po! 😊

4y ago

Thankyou po.. nakakakaba po

congrats po. ask ko lng dn po Zmmg Olongapo po ba kyo nanganak?

4y ago

Hindi po.. sa Puerto Princesa City po

VIP Member

welcome to the world baby . . congrats mommy !

VIP Member

Welcome to the outside world baby! Congrats po

congrats momshie for the safe delivery!😀

congrts mommy,magkanu inabot ng bill nyo mommy.

4y ago

Dalawa na po kami ni baby doon and kasama na po newborn screening nya.. then pati 2bags ng blood

VIP Member

Congratulations momsh.. Taga Palawan ka din po?

4y ago

Hehehe katuwa naman.. Taga Roxas po ako 😁