Buntis sa lamay
Namatay po ang tatay tatayan ng asawa ko..sabi po ng kapatid nya wag na wag daw po ako pupunta sa lamay kasi buntis daw po ako..bakit po?anu po ba mangyayari sakin kung ppunta ako dun??kailangan po ako ng asawa ko pra damayan sya pero dhil nga dun d ko magawang alalayan asawa ko..
Meron dito kapitbhay ko lang at naging kaclose ko dhil nkkasabayan ko pumasok nung highschool nabuntis sya 18 y/o, 5 years ago na to pero gusto ko lang dn ishare. Namatay lolo nya kung san malapit lng din ang bahay dto samin kaya anytime nkkpunta sya close dn sila ng lolo nya kaya lagi syang nasa lamay ng lolo nya kahit 1 month nalng manganganak na sya sila hindi naniniwala sa mga pamahiin kaya ung mga bawal na gawin sa patay nagagawa nila ung magbaon ng pagkaen gling sa patay kasi nga malapit lng ang bahay nila sa lolo nila ung mga ganung bagay tapos sya na buntis humihiga pa sa lamay kapag umaga dahil walang tao tpos sumama sa sementeryo pinagbwalan sya iniwan muna sya sa kanto papunta ng sementeryo pero sumunod pa rin sya sa sementeryo kaya pagktpos nun mga april namatay lolo nya at MAY sya nanganak ilang araw lng pagkaanak nya namatay sya naiwan ung baby nya sa mga magulang nya. Di ako masydong naniniwala pero nung nangyri un sa kaibigan ko naniwala na aq d namn masama maniwala tska naisip ko dhil close lng dn cla ng lolo nya kaya sumama na sya pero alam ko dhil din sa stress nya sa ama ng baby nya kaya nwala sya. Share ko lng mga mommies
Magbasa paPumunta din ako ng lamay noon 3months preggy ako tapos pagkalabas ko nahilo ako un bang namuti ganun daming dugo lumabas sakin tas kinabukasan na kunan ako,bawal po kasi tlga pumunta ng lamay,kagaya ung friend ko buntis siya 7months na ung tyan nya tas pumunta sila sa lamay kasama asawa nya kinabukasan sumakit tyan niya tas nanganak buhay ung isa kaso ung isa di nila makuha kasi twins baby nya hindi nila pwede i qbator ung isa pag wala pa ung isa,pero sa huli namatay din ung twins nya,naniniwala tlga ako jan sa kasabhan na yan na bawal maki lamay ang buntis
Magbasa paSa pamahiin ng mga matatanda, di pwede pumunta ang buntis sa lamay kasi pag manganganak na raw is makakatulog daw at matatagalan ang pag iri o paglabas ng bata... madaling mawalan ng energy ang mother kahit nag li-labor na, hindi makaka iri ng maayos... lalo na kung titingnan mo ang patay sa loob ng kabaong nito... Scientifically naman, pag may lamay, maraming tao... or sari-sari ang taong pupunta sa lamay, and thinking about a dead person's body is around, di na yun safe and healthy for a pregnant woman... lalo na ngayon na nasa pandemic tayo...
Magbasa paMy father-in-law died last month,5mos.na ako,pamahiin yan natin pero mas hindi ko po natiis na hindi pumunta kasi I need to support my husband and hindi ko rin kaya na hindi siya makita kasi majal ko din byenan ko. Tumingin din ako sa kabaong kasi nalulungkot ako. Kung hindi po siguro kamag-anak or malayo na. Naniniwala naman po ako na mas powerful ang dasal. Ingat na lang po sa mga nakakasalamuha at sa pagod at puyat. Ngayon,mas peaceful kalooban ko dahil wala akong regret na sa huling days niya,nakapagpaalam ako nang maayos.
Magbasa paPwede k pumunta pero pag uwi mo khit anong mgà dahon andun magdala k sa busy nyo pagdating n pagdating mo sa bhay nyo dapat Kay kamangyan ka at ung dahon NG pagaspas magpabaga ka at ilgay mo dun sa apoy ung dahon oh mliit n kahoy galing dun sa bhay NG nmatay kamangyan at pagaspas ung tanggalin mo mgà suot mo galing dun sa lamay mag tuob k tumayo k at sa pahitan NG paa mo ung pinausok mopasok k sa kumot
Magbasa paSa akin ang iniiwasan sa pag punta sa lamay ay yung pakikihalubilo sa maraming tao lalo sa panahon ngaon. Pwede ka mahawa sa mga sakit lalo na kasi buntis ka. Depende pa sa kung ano ikinamatay ng namatay kung nakakahawang sakit ba. At may fumes pa din na pwedeng malanghap na pinang embalsamo sa patay. Kaya as much as possible iwas na lang sa pag dalaw sa patay. Pwede ka naman makiramay in another way.
Magbasa paNung 6months akong pregy namatay pamangkin ng asawa ko. Pumunta din ako sa lamay at sanpaghatid sa sementeryo nanganak ako safe naman kami ni baby no hassle. Ang iniingatan lang po pagpumunta sa lamay ay yung malanghap mo yunh formalin which is bad for you and baby. Yun po talaga ang rason kung bakit bawal sumilip. If ever gusto mo sumilip mag mask ka nalang po or cover ilong para di makalanghap.
Magbasa paAko nun nag bubuntis ako sa una ko, after namin mag paultrasound at nalaman namin gender kinabukasan namatay un lola ng asawa ko. So lahat sila andon, naiiwan ako sa bahay. sabi nila pwede naman daw ako pumunta basta wag lang ako titingin sa loob ng kabaong. Tapos non ilalabas na sa bahay at araw na ng libing kailangan wala daw ako don. Di ko alam dami nila pamahiin. 😅
Magbasa paKung CHRISTIAN kayo Bawal sa Kristiano naniniwala sa pamahiin! Mahigpit na binabawal ng DIOS yan mga walang batayan. Basa rin ng Bible mga mommies! Wag gawing basehan yung porket wala nmang masama kung susundin wag ganon. Magkaron nman kayo ng pag galang sa DIOS. #Standwithyour FAITH Levitico 19:26 Deuteronomio 18:10
Magbasa paAlam ko nga din bawal e... sundin nlng ntin pamahiin ng matatanda kng ndi din nmn mkksma sa atin. Pde mo nmn damayan c hubby sa pamamagtn ng pagtawag sa kanya. Magpdla ka ng food. Kamustahn mo sya lgi. Kwentuhn mo sya sa pag galaw ng baby mo pra medyo ma divert ng konti un attention nta sa baby nyo pra mabawasn ng konti un lungkot nya.
Magbasa pa
Mama bear of 2 troublemaking cub