Buntis sa lamay

Namatay po ang tatay tatayan ng asawa ko..sabi po ng kapatid nya wag na wag daw po ako pupunta sa lamay kasi buntis daw po ako..bakit po?anu po ba mangyayari sakin kung ppunta ako dun??kailangan po ako ng asawa ko pra damayan sya pero dhil nga dun d ko magawang alalayan asawa ko..

59 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

My father-in-law died last month,5mos.na ako,pamahiin yan natin pero mas hindi ko po natiis na hindi pumunta kasi I need to support my husband and hindi ko rin kaya na hindi siya makita kasi majal ko din byenan ko. Tumingin din ako sa kabaong kasi nalulungkot ako. Kung hindi po siguro kamag-anak or malayo na. Naniniwala naman po ako na mas powerful ang dasal. Ingat na lang po sa mga nakakasalamuha at sa pagod at puyat. Ngayon,mas peaceful kalooban ko dahil wala akong regret na sa huling days niya,nakapagpaalam ako nang maayos.

Magbasa pa