Buntis sa lamay

Namatay po ang tatay tatayan ng asawa ko..sabi po ng kapatid nya wag na wag daw po ako pupunta sa lamay kasi buntis daw po ako..bakit po?anu po ba mangyayari sakin kung ppunta ako dun??kailangan po ako ng asawa ko pra damayan sya pero dhil nga dun d ko magawang alalayan asawa ko..

59 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako nga nmtay tyahin ng asawa ko dlawa mdlas ako sa lamay , pero sumilip.ako once sabi wag daw ako mlpit sa patay dahil mhhrapan nga daw manganak ,tas ayun madali naman ako nanganak kumpara sa una kong anak , d ko nga akalain na naglalabor nako kasi d naman ganun kasakit tapos ayun lumabas na agad baby ko ..

Magbasa pa
VIP Member

Its not about pamahiin, kundi para sa safety mo momsh. Masyado kasi matapang yung gamot na tinuturok sa mga patay na delikado pag nalanghap ng buntis. Tsaka for sure may mga naninigarilyo dun, masama din na malanghap mo ang usok nun mamsh. Pero pamahiin? Hindi totoo mga yun.

VIP Member

same sakin, namatay Lola ko nun and buntis ako pero andun pa din ako sa lamay. tho di pa alam nung iba na buntis ako. Si papa kakaAlam lng, pero wala na sya choice andun na ako. Nag iingat na lnga ako, di napunta sa pwesto na matao ska di nagpupuyat.

Ako nmatay lola ko nun almost 7mos.nrin tyan ko pro every night nkikipaglamay ako,nkipaglbing p nga ko pro sa msmong libingan nde nko bumaba ng sasakyan.sumama lng dn ako papuntang sementeryo.kaka40days lng ng lola ko khapon.baby ko 3weeks p lng ngaun

Itanong mo po muna sa mga kaanak mo kung pwede ka dun pumunta. Actually wala naman talaga connect yang lamay sa pregnancy. Pero kasi kung naniniwala sila sa pamahiin na yan. Baka makaeksena ka lang dun. Lalo na king maraming matanda sa lamay.

Last december namatay lola ko.. And ung love na love na lola ko un.. Di ako papayag di sya makita kaya andun ako sa burol nya and pagcremate.. Until now 34weeks ok nman kami.. Sana healthy si baby.. Nsa pananalug pa rin natin yan..

Bakit ngaba? Ako din nong buntis ako ng 5 months non namatay yong pinsan ng asawa ko sinabi sakin na wag na wag akong tumingin sa patay at wag akong lumapit sa kabaong tapos mag pula daw akong damit,bakit ngaba bawal sa buntis yon?

Di naman po masama ang magpunta sa lamay. Ang pinagbabawalan po dun eh yung malanghap mo ang usok ng sigarilyo. Namatay po yung lolo ko nung march 6. Nasa lamay ako pero di ako tumingin sa patay mula nung 1st day gang last night.

Pag mga pamahiin isa lng sinasabi ng lola ko, "wala yan sa bibliya"..heheheh Kaya lumaki kaming mga apo na di sumosunod sa mga pamahiin. Wala namang nawala sa amin sa di pagsunod. Pero nasa iyo po yan, kung saan ka komportable.

Buntis ako nung mamatay ang nanay ko, alangan hindi ako pumunta e nanay ko yun. Hindi na uso ngayon ang mga superstitious belief. Pero, in our situation ngayon na EDQ parang mas advisable na huwag ka na muna pumunta.