miscarriage/blighted ovum :((

Nakunan ako nung august 5 2019. 19 weeks si baby boy na 1yr namin inintay ng hubby ko . Tapos na preggy ulit ako nung October. First check up okay naman si baby nakita pa at may heartbeat na 124. Pero nung second check up ko nung December 17 wala na makitang baby ,wala nadin hearbeat at sinabi na ni ob na blighted ovum. may nireseta sakin na evening prim rose at buscopan after 5day lumabas na ang blighted ovum ko, sobrang hirap. Sobrang lungkot ng pasko, hindi ko alam kung pano mag sisimula uulit :( Sana makaya ko lahat to. Dalawang anghel na ang nawala sa buhay ko. Yung picture sa right side sa baba yun ang blighted ovum ko.

miscarriage/blighted ovum :((
313 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Condolence sis.. Nakunan din ako October 4 2019 18 weeks and 3 days.Mag iisang taon na at everytime na naaalala ko ang first baby ko.Gusto kong magwala at umiyak ng umiyak pero hnd eh. Dahil umiiyak ako kapag mag isa nalang ako ayoko kc na mag alala ang family ko lalo na ang partner ko.Nandito parin yung sakit dala2x ko,hnd na yata mawawala to pero I'm still blessed kasi buntis ulit ako ngayong taon Running 7 months.I always pray to God na bigyan nya ulit ako ganun din sa anghel ko na kasama nya at hnd nga nila ako binigo. May magandang Plano sayo/sainyo si God.Tiwala lng at hwag mawalan ng pananalig sa kanya.

Magbasa pa