miscarriage/blighted ovum :((

Nakunan ako nung august 5 2019. 19 weeks si baby boy na 1yr namin inintay ng hubby ko . Tapos na preggy ulit ako nung October. First check up okay naman si baby nakita pa at may heartbeat na 124. Pero nung second check up ko nung December 17 wala na makitang baby ,wala nadin hearbeat at sinabi na ni ob na blighted ovum. may nireseta sakin na evening prim rose at buscopan after 5day lumabas na ang blighted ovum ko, sobrang hirap. Sobrang lungkot ng pasko, hindi ko alam kung pano mag sisimula uulit :( Sana makaya ko lahat to. Dalawang anghel na ang nawala sa buhay ko. Yung picture sa right side sa baba yun ang blighted ovum ko.

miscarriage/blighted ovum :((
313 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo sis.. malungkot ang pagpasok ng year na to. Minsan tinatanong q if hindi ko ba deserve magka baby.. bakit ung iba sobra sobra ang biyaya.. tapos ako kahit isa lang bakit di aq nagkakaroon.. bakit ung mga unplanned pregnancy diba.. sorry sis depress din ako ehh😭😭😭

VIP Member

kakalungkot naman.. :-( naiyak ako.. pero ok lang po yon atleast d nyo po sinasadya.. hinde katulad ng ibang nanay na pinapalaglag yung anak.. kawawang angel.. pray nlng po kayo. at pray na di po kita. na sana sa susunod na biyayaan ulit kayo ni papa god.. magiging okey na... :-)

VIP Member

dont loose hope sis, soon bibigyan ka na talaga ni lord ng rainbow baby, kaae ako 3x nakunan at 3x naraspa, dami nga nagsasabi sa akib noon sis na hindi na ko mag kakaanak but in gods perpect time talaga binigay na sa amin ang miracle baby namin, going six months na kong preggy :)

ask ko lng bale november 15 last mens ko after nun nagpills na ako .. tpos december 13 nagstop ako sa pills tpos nagmens ako ng december 17 pero one day lng . ilang weeks na kaya ung tummy ko ngaun ???naguguluhan kasi ako . di nmn pede na sa november ako magbase kasi nagpills nga ako..

5y ago

Mag post kayo ng sarili nyong mga tanong. Napaka out of topic ng mga comment nyo. Nagluluksa yung poster tas kayo magcocomment kung ilang weeks na yang pinagbubuntis nyo. Magpa check kayo sa Ob wag dto!

Condolence po wag po kau mawalan ng pag asa ako din po dalawa baby na nawala sakin First nakunan ako Second nabuo sya hanggang 33weeks pero ala sya kidney.. Pero nabuhay PA sya ng 18 hourse.. Na cs PA ako nyan.. And Now buntis ulit ako kahit 5 month's plang after MA c. S ako.

Aq sis 3 times aq nakunan 2017 last nakunan aq 21 weeks ng pahinga muna aq ksi ayoko na mkunan pa ang hirap mg move on ska sbi ng ob mganda un npahinga ng mtagal ang matres mo nbuntis aq 2019 na manganganak nko this january pray ka lng po in perfect time mgkaka baby karin po

everything happens for a reason momsh.. just keep your faith.. in God's perfect time makakabuo ka din.. ganyan nangyari sa akin before.. sobrang sakit pero I know God has its plan, and it is perfect. . right now I have a 7wks baby girl na.. just keep the faith 🙏😇😊

VIP Member

Condolence po mamsh... Stay strong po huwag ka pong susuko mamsh kasi everything happen for a reason. Try mo pong magtake ng POWER TRIO po ng I-FERN for fast recovery at hopefully para maging healthy po for next pregnancy. Keep your faith in GOD and stay strong po...

nkakaiyak sis :(( pero magtiwala ka lang sa panginoon magging maaus din ang lahat at sa tamang panahon magkaka baby ulit kayo ng husband mo..keep praying sis and alam ko na hindi ka pababayaan ni lord.. merry christmas sis and sa family mo :) god bless

If you're planning te get pregnant po again you must visit your OB momsh para matulungan ka niya to prevent miscarriage. And pray po. Kaya mo yan momsh. Walang pagsubok na binibigay ang panginoon na hindi natin kayang harapin. God Bless Momsh! ♥️