“TEST OF FAITH”

nakita ko toh sa FB. ☺️ ----> I remember when I was pregnant, lahat ng kasama ko sa clinic may partner na kasama while ako lagi nagpapa check up mag isa, my ob-gyne once told me “Kabuwanan mo na, pansin ko lagi kang mag isa, kawawa ka naman.” 1 am or 2 am may cravings ako na burger at siopao dahil matanda na parents ko di ko malambingan - tulog na tulog kaya bigla na lang ako lalabas ng bahay mag isa para maghanap ng gusto ko kainin. Kapag nahihingal naman maglakad or may gamit ako nahulog at di ko maabot dahil sobrang laki ng tyan ko, may strangers or dating ka work ko ang tutulong sa akin. I was on “threatened abortion”, na halos bawal ako gumalaw pero sa isip ko kailangan ko magtrabaho para may pangpa anak, pang suporta sa parents at pang bili ng gamit ng anak ko. I pray to God na sabi ko “Lord, ibigay mo na saken itong baby sa tyan ko, kung test of faith ito, Lord promise kahit single parent ako bibigyan ko sya ng magandang buhay at magsisikap ako and Lord kapag pinanganak ko ito, itapat mo na rin sa pasko ha para yung Noche Buena yun na rin handa nya sa Birthday Nya para tipid.” umiiyak ako habang nagdadasal kasi anytime pwede mawala anak ko saken. 8 months na sya nun at lahat ng pangpa kapit na gamot nainom ko na. December 24, 2017 -Dumaan ako sa church and pina bless ko yung tyan ko, sabi ko sa pari ipag pray yung safe delivery ko. And right after ma bless tyan ko ayun, manganganak na ko. December 25, 2017 Sabi ng doctor, CS daw ako dahil nag poop na yung baby sa loob ng tyan ko, eh ang budget ko pang normal lang tapos nasa private hospital ako, yung nanganganak ako pero ang isip ko lumilipad kung saan ako kukuha ng pangbayad sa hospital bills ko range is 80k to 100k pag CS. Sabi nung nurse na matangkad sa tabi ko, “Kaya mo inormal yan, basta kada contractions ipupush mo and hold your breathe then count ka ng 1 to 10”. Ginawa ko yung sinabi nya, habang napipisil ko yung kamay nya sa bawat pain na nararamdaman ko. Sa isip ko nagpe pray na lang ako, sabi ko “Lord may Your will be done, give me strength and my baby na malagpasan ito” Naka ready na yung harang na parang kurtina kasi CS ako, may tinapat pa saken na ilaw and may ininject saken na anaesthesia tapos biglang may sumigaw na “Doc saluhin mo palabas na yung baby!” Sobrang hilo na ko at gusto ko ng matulog pero nilabanan ko talaga yung antok kasi gusto ko malaman kung buhay yung anak ko, gusto ko marinig yung iyak nya and sabi ko agad “Doc buhay po ba anak ko?” And that was the time na nilapit nila yung anak ko saken and yan yung picture sa baba ng moment na yon. My bro visited me and binayaran yung kakulangan kaya na discharged kami. I named my son “Jaden Zion”, Jaden means “God has heard” and Zion means “Lifted Up”. I was tested mentally, spiritually and physically. Siguro kung hindi dahil sa “faith” na meron ako baka bumigay ako. Never ko nakitang nakaka awa yung situation ko dahil alam ko na hindi ako papabayaan ni Lord. God is real. God is the only one na talagang mula noon hanggang ngayon naging tapat sa buhay ko. Kaya tip lang, when you pray, you really have to believe “AS IF” God already answered your prayer. Matthew 7:7 “Ask and it will be given to you, seek and you will find. Knock and it will be opened to you”. December 25, 2017 @ 1:23pm a miracle baby was born. The best Christmas gift ever! Jaden is the living proof that God is good all the time. Before I end my wonderful motherhood story, hinanap ko yung matangkad na nurse na pinisil ko yung kamay, bibigyan ko sana ng 300 pesos pang merienda kasi hiyang hiya ako na sobra ko sya nasaktan sa kamay kakapisil. Pinahanap ko sa father ko ang sabi ng ob gyne ko, sya lang at isang maliit na nurse ang magkasama. Dalawa lang daw sila nung time na pinapa anak ako. #MyMotherhoodJourney #FaithfulServant #ChristmasBaby #JadenZion #Godisgood

“TEST OF FAITH”
370 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naiyak ako dito. God is good ❤ sana maging okay din ang delivery ko, 25th of december din ang due ☺ God bless you mommy and baby Jaden ❤ hugs 🤗🤗🤗

Praise God nagsend siya ng angel sayo mommy and I believe na yan ung angel na magbabantay sa inyo ni baby. Truly naririnig Niya at sinasagot mga prayers natin.

VIP Member

Good is really good.. 🙏 🙏 🙏 God bless sa inyo ni baby.. We can do all things through God who gives us strength.. 🙏🙏🙏♥️♥️♥️

Naiyak ako sis. Ganyan din ako sa baby ko nun, may mga tao talaga na pinag panggao ang dyos para palakasin ang loob natin. Godbless po and to your baby.

Sobrang nakaka inspire po ang birth story nyo.. Lalo po akong naniwala sa taas.. God bless po and good health sa inyong magina.. ❤️❤️❤️

thank u for sharing mommy! nakaka encourage po, I feel you and naiyak ako sa story mu.God is good all the time and he is worthy of all our praises!

si LO ko nakapoop ndn sa tummy ko pero nailabas ko xa tru NSD hndi ako CS thank god at ok si LO ko paglabas nya even though hndi xa umiyak agad..

Nakakaiyak naman ito. First time mom here and still humuhugot ng lakas ng loob to give birth in less than 2 months. Thanks for the inspiration!

VIP Member

Kinilabutan ako sa last part.. ❤❤❤ totoo.. manalig lang talaga sa dios. Magtiwala.. di tayo pabayaan.. proven and tested ko na din..

God is Good 😇 tumitindig balahibo ko habang binabasa ko testimony mo 🙂 Sobrang blessed ka po. Ingat po kayo ni baby palagi. Godbless..