“TEST OF FAITH”

nakita ko toh sa FB. ☺️ ----> I remember when I was pregnant, lahat ng kasama ko sa clinic may partner na kasama while ako lagi nagpapa check up mag isa, my ob-gyne once told me “Kabuwanan mo na, pansin ko lagi kang mag isa, kawawa ka naman.” 1 am or 2 am may cravings ako na burger at siopao dahil matanda na parents ko di ko malambingan - tulog na tulog kaya bigla na lang ako lalabas ng bahay mag isa para maghanap ng gusto ko kainin. Kapag nahihingal naman maglakad or may gamit ako nahulog at di ko maabot dahil sobrang laki ng tyan ko, may strangers or dating ka work ko ang tutulong sa akin. I was on “threatened abortion”, na halos bawal ako gumalaw pero sa isip ko kailangan ko magtrabaho para may pangpa anak, pang suporta sa parents at pang bili ng gamit ng anak ko. I pray to God na sabi ko “Lord, ibigay mo na saken itong baby sa tyan ko, kung test of faith ito, Lord promise kahit single parent ako bibigyan ko sya ng magandang buhay at magsisikap ako and Lord kapag pinanganak ko ito, itapat mo na rin sa pasko ha para yung Noche Buena yun na rin handa nya sa Birthday Nya para tipid.” umiiyak ako habang nagdadasal kasi anytime pwede mawala anak ko saken. 8 months na sya nun at lahat ng pangpa kapit na gamot nainom ko na. December 24, 2017 -Dumaan ako sa church and pina bless ko yung tyan ko, sabi ko sa pari ipag pray yung safe delivery ko. And right after ma bless tyan ko ayun, manganganak na ko. December 25, 2017 Sabi ng doctor, CS daw ako dahil nag poop na yung baby sa loob ng tyan ko, eh ang budget ko pang normal lang tapos nasa private hospital ako, yung nanganganak ako pero ang isip ko lumilipad kung saan ako kukuha ng pangbayad sa hospital bills ko range is 80k to 100k pag CS. Sabi nung nurse na matangkad sa tabi ko, “Kaya mo inormal yan, basta kada contractions ipupush mo and hold your breathe then count ka ng 1 to 10”. Ginawa ko yung sinabi nya, habang napipisil ko yung kamay nya sa bawat pain na nararamdaman ko. Sa isip ko nagpe pray na lang ako, sabi ko “Lord may Your will be done, give me strength and my baby na malagpasan ito” Naka ready na yung harang na parang kurtina kasi CS ako, may tinapat pa saken na ilaw and may ininject saken na anaesthesia tapos biglang may sumigaw na “Doc saluhin mo palabas na yung baby!” Sobrang hilo na ko at gusto ko ng matulog pero nilabanan ko talaga yung antok kasi gusto ko malaman kung buhay yung anak ko, gusto ko marinig yung iyak nya and sabi ko agad “Doc buhay po ba anak ko?” And that was the time na nilapit nila yung anak ko saken and yan yung picture sa baba ng moment na yon. My bro visited me and binayaran yung kakulangan kaya na discharged kami. I named my son “Jaden Zion”, Jaden means “God has heard” and Zion means “Lifted Up”. I was tested mentally, spiritually and physically. Siguro kung hindi dahil sa “faith” na meron ako baka bumigay ako. Never ko nakitang nakaka awa yung situation ko dahil alam ko na hindi ako papabayaan ni Lord. God is real. God is the only one na talagang mula noon hanggang ngayon naging tapat sa buhay ko. Kaya tip lang, when you pray, you really have to believe “AS IF” God already answered your prayer. Matthew 7:7 “Ask and it will be given to you, seek and you will find. Knock and it will be opened to you”. December 25, 2017 @ 1:23pm a miracle baby was born. The best Christmas gift ever! Jaden is the living proof that God is good all the time. Before I end my wonderful motherhood story, hinanap ko yung matangkad na nurse na pinisil ko yung kamay, bibigyan ko sana ng 300 pesos pang merienda kasi hiyang hiya ako na sobra ko sya nasaktan sa kamay kakapisil. Pinahanap ko sa father ko ang sabi ng ob gyne ko, sya lang at isang maliit na nurse ang magkasama. Dalawa lang daw sila nung time na pinapa anak ako. #MyMotherhoodJourney #FaithfulServant #ChristmasBaby #JadenZion #Godisgood

“TEST OF FAITH”
370 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang ganda nmn ng story ni mommy at baby...pro totoo po mommy...pag my tiwla ka kay papa jesus..at ung idinadadasal mo faith lng talaga ku g ibibigay nia ibibigay nia kc xa lng ang bukos tanging nakakaalm ng ikabubuti natin... Me...naniniwla po ako lahat posbile kay papa jesus...ako man din po kc dahil sa faith ko saknya sa mga naranasan ko sa live in partner ko is unti unti niyang binibigay...dahil dumaan kmi sa madaming pagsubok..ung tipong npapagod naku pro lahat itiniwla ko sknya...itong "BABY"sa sinapupunan ko ngaun is hiningi kong signkc gulong gulo na ako...at mahirap po akong magbuntis i need to takemed.bago magbuntis...nagtake naku nuon pro wla pa din...pro dahil sa tiwla ko kay pap jesus at sa hiniling ko dala ng tao lngpo ako sometimes nawawala ung faith ko..pro keep praying pa din ako...sbi ko "papa jesus kung tlgang kmi po ang para sa isat isa..bigyan nio po kmi ng supling.."kc alam kong mahirap po ako mgbuntis..at nung time na nararamdaman ko na ung pagud na mgmahal sa live in partner ko.. Dahil hnd ko na maramdaman ung kpantagan sa pagtitiwala sknya.. delayed ako nuon 1 week pro hnd ko iniisp n buntis po ako dahil nadedelay din tlga ako pro rereglahin pa din ako..that time naramdaman ko parang hindi naku gnun kastress sa partner ko parang hinahayaan ko nlng xa sa kng anong gusto niang gawin.....then after 3days my nkpansin sa tiyan ko..sbi ate para kang buntis...sb ko nmn oo nga neh..."delayed ako pro hnd Ko ngeexpect kc kc nadedelayed tlga ako..."sabi "ate mag p.t kna...pro nagiisp pa din ako kc nagtitipid din ako dahil saktuhan lng ang pera ko dahil my binabayaran akong utang...pro bigla ko naisip na cge na nga...at ayun na...lahat po ng pagsubok at problema ko sa partner ko natabunan ng kasiyahan..."umiiyak ako na tumatawa dhil hnd po ako mkapaniwla...sinasabi ko thank you lord...thank you"that time po hnd ko maisip ung mga prob.ko basta umoiyak ako sa sobrang saya...aftee ko malaman pmunta ako ng church nagpaslamata ko sa unexpectes blessing s na binigay no papa god...mas pinaihi nia ung pagtitiwala ko sknya...dun ko naramdaman na anjan tlga xa lagi..at totoo xa..naniniwla nmn po ako kay papa jesus...pro sa nagyari mas tumindi ung faith ko sknya ung pagtitiwla ko sknya na wlang ipmposible kay papa jesus...kaya tama ka mam..."praise the lord"ang bait po nia😍😍😍😍

Magbasa pa

Naiyak ako sa kwento mo mommy. My 2nd baby also is a test of faith din nmin mag asawa. Im a single mother sa panganay ko nagmahal, nagkamali, nasaktan at bumangon. Tapos nakilala ko husband ko ngayon. Almost 3 years namin inantay magka'baby pero di pa kami kasal noon. Wala kami control kung mabuntis ako ok kung hindi ok lang din pero since ang asaw ko medyo may edad na 38 na siya noon gusto na talga nmin at ako 28 na edad ko. Since malapit ang pinagtrabahohan ko sa Redemptorist Church weekly ako nagsisindi ng kandila ang asawa ko gabi gabi nagdadasal kasama sa dasal nmin magkababy na. Tapos nag decide na kami magpakasal last january 28,2019 nabuntis ako may 2019 nanganak ako feb. 04,2020. Ang name ng baby ko Reign Elisha meaning Reign- To Rule Elisha- My God is Salvation Reign Elisha "To rule, My God is Salvation".

Magbasa pa

I feel you momsh.. 🤗 God is real, God is there all the time. Im 18 y/o when I was pregnant and my due date is Nov. 8 2019 but my baby deliver was Oct. 30 2019, haha! 😅 Nakakatuwa na nakakatakot! 🙃☹ I don't have any idea if how I push my baby into my tummy. iniisip ko kung ano gagawin ko di ako marunong umiri FIRST TIME MOM. pinapanood ko pano pinapairi yung iba, then ginaya ko sila kasi wala pa nag assist saken! then natakot noon narramdaman ko na parang lalabas na baby ko kakairi ko. Basta natakot na ko tapos tinawag ko si god sabi ko, PLS. LORDDDDDD KAYOOOO NA BAHALA SA AMING MAG INA. And di ako pinabayaan ni god. Thank you lord 😍😍 He is 5months now, his name is Matthew 😘

Magbasa pa
Post reply image

I already read this post of her! Nkakaiyak. At inspired imagined mgisa nya binuhay din anak nya at sumusuporta pa sa magulang ganitong ganito ako noon sa first baby ko.. Naisip ko fam ko at anak ko sa loob ng tummy ko. D ko alintana pagod puyat sa trabaho.. So proud sa mga kababaihan na ganito, di niya tayo na ffailed magasked ng help sakanya.. Papa God always there for us, kailangan lang natin ng kilos.. Di man ikaw ang pnaka swerte sa mundo.. Maswerte prin tayo dhil buhay tayo at nkakaya natin tumayo sa sarili natin kahit sobrang dami ng pagsubok. Kahit sobrang hrap na kahit pakrmdam mo wala kana malapitan. Mg confess ka lang sknya he always listening up there. Godbless us! 👆❤️

Magbasa pa

Aww, thank you po for this testimony. Truly, God is good and faithful all the time. Same po tayo na single mom na din pero due date ko sa April pa. I’m also always alone sa check-up ko, sa cravings ko wala ako maasahan kundi sarili ko minsan pinipigil ko din para di kme tumaba ni baby. It really is hard po tlga pag ikaw lang mag-isa tapos binigyan ka ni Lord ng ganito kalaking test of faith pero I can say it also is a miracle and biggest blessing God can give you. Kay Lord lang din kme nagdedepend ng baby ko kse wala naman po kame matakbuhan. Soon, I’ll share my testimony too. Grabe! Congrats po and may God keep you and your baby healthy and happy all the time 🙏🏻💓

Magbasa pa

Sobrang taas ng TSH ko nung July, 6weeks pregnant ako. Aug and Sept naging normal pero sbi ng endo ko need ko pa TPO, if positive daw expect ko daw na madaming lab test ipapagawa saken kc ibg sbhn nag fafluctuate daw ung result and need tlaga bantayan since mkakaapekto sya saken and kay baby. Iyak ako ng iyak until nagchicheck ako dto and nabasa ko post mo. Wla kong ininom na gamot pero naging normal ung result for Aug and Sept, pray lang ako ng pray kay God. I just really hope mag negative ung lab test na ipapagawa saken ni doc. Prayer helps indeed. May God bless you, ur baby and ur family po. 💕

Magbasa pa

Alam mobang habang binabasa ko post mo tunurulo luha ko kasi same situation tapis kambal yung sakin...at as in mg isa lng ako sa nirerentahan ko di alm ng parents ko tapos 34 weeks plng tummy ko now humihilab n nya mula last week pa peru tuloy ang trabaho ko peru kanila mas mhilab n kasama n balakang kaya ng punta nko hospital inject ako dapat maubus ko yung 4 vials just incase lumabas ng maaga ok yung lungs nila😭😭 ngayon tinitiis ko yung sakit para lng umabot sila ng kahit katapusan....titiisin ko lahat para sakanila...

Magbasa pa
5y ago

are you taking Nifedipine also mommy to hold the contractions? kasi nagpainject din ako Dexamethasone noon. maaga din ako nagkacontractions. thank God umabot naman si baby ng 37weeks

VIP Member

Aww ..kakainspire ..parehas na parehas kami ng situation, magisa lang din ako, working kahit maselan pagbubuntis (placenta previa) kasi like her, wala ko pwede asahan kundi sarili ko para maiprovide pangangailangan namin ni baby. Ilang beses na din ako naospital kaya nagkandautang utang na hanggang ngayon binabayaran ko pa but thank God patapos na siya, next na iipunin ko ay yung sa panganganak ko naman. I also lean on God. 7 months na ko ngayon, 3 more months at mahawakan ko na ang blessing sakin ni Lord.

Magbasa pa
5y ago

stay strong. God Bless you mommy 💓

Congrats sis.. ang sakit nung nagpapacheck up ka na ikaw lang mag isa tapos mga kasabayan mo my kasamang partner..ganun din kase ako. Pero ok lang ang mahalaga sakin yung kalusugan ng anak ko kahit ako lang mag isa at walang sumusuporta sakin..Sana katulad mo i blessed din ako ni God na malusog at walang sakit na anak kahit sobrang dami kong kasalanan. Sana padalhan nya din ako ng Anghel pag manganganak nako para matulungan ako at mapabilis at maging ligtas ang panganganak ko pati na din c baby..

Magbasa pa

Nakakaiyak po kwento nyo and nakaka inspire po. Ate ko din po ganyan nung nabuntis ng maaga as in walang wala po pera and di sya pinanagutan. Kaya nung nagkawork ako bumawi ako sa anak nya (pamangkin ko) bngay ko lahat ng di nya naranasan nung baby pa sya na kahit pang gatas inuutang. Ngayon malaki na sya (11years old) and may maganda na work ate ko. Kaya lagi ako nagpapasalamat kay god kase may asawa ako at maayos na buhay at eto manganganak na next month ☺️ godbless po sa inyo

Magbasa pa