“TEST OF FAITH”

nakita ko toh sa FB. ☺️ ----> I remember when I was pregnant, lahat ng kasama ko sa clinic may partner na kasama while ako lagi nagpapa check up mag isa, my ob-gyne once told me “Kabuwanan mo na, pansin ko lagi kang mag isa, kawawa ka naman.” 1 am or 2 am may cravings ako na burger at siopao dahil matanda na parents ko di ko malambingan - tulog na tulog kaya bigla na lang ako lalabas ng bahay mag isa para maghanap ng gusto ko kainin. Kapag nahihingal naman maglakad or may gamit ako nahulog at di ko maabot dahil sobrang laki ng tyan ko, may strangers or dating ka work ko ang tutulong sa akin. I was on “threatened abortion”, na halos bawal ako gumalaw pero sa isip ko kailangan ko magtrabaho para may pangpa anak, pang suporta sa parents at pang bili ng gamit ng anak ko. I pray to God na sabi ko “Lord, ibigay mo na saken itong baby sa tyan ko, kung test of faith ito, Lord promise kahit single parent ako bibigyan ko sya ng magandang buhay at magsisikap ako and Lord kapag pinanganak ko ito, itapat mo na rin sa pasko ha para yung Noche Buena yun na rin handa nya sa Birthday Nya para tipid.” umiiyak ako habang nagdadasal kasi anytime pwede mawala anak ko saken. 8 months na sya nun at lahat ng pangpa kapit na gamot nainom ko na. December 24, 2017 -Dumaan ako sa church and pina bless ko yung tyan ko, sabi ko sa pari ipag pray yung safe delivery ko. And right after ma bless tyan ko ayun, manganganak na ko. December 25, 2017 Sabi ng doctor, CS daw ako dahil nag poop na yung baby sa loob ng tyan ko, eh ang budget ko pang normal lang tapos nasa private hospital ako, yung nanganganak ako pero ang isip ko lumilipad kung saan ako kukuha ng pangbayad sa hospital bills ko range is 80k to 100k pag CS. Sabi nung nurse na matangkad sa tabi ko, “Kaya mo inormal yan, basta kada contractions ipupush mo and hold your breathe then count ka ng 1 to 10”. Ginawa ko yung sinabi nya, habang napipisil ko yung kamay nya sa bawat pain na nararamdaman ko. Sa isip ko nagpe pray na lang ako, sabi ko “Lord may Your will be done, give me strength and my baby na malagpasan ito” Naka ready na yung harang na parang kurtina kasi CS ako, may tinapat pa saken na ilaw and may ininject saken na anaesthesia tapos biglang may sumigaw na “Doc saluhin mo palabas na yung baby!” Sobrang hilo na ko at gusto ko ng matulog pero nilabanan ko talaga yung antok kasi gusto ko malaman kung buhay yung anak ko, gusto ko marinig yung iyak nya and sabi ko agad “Doc buhay po ba anak ko?” And that was the time na nilapit nila yung anak ko saken and yan yung picture sa baba ng moment na yon. My bro visited me and binayaran yung kakulangan kaya na discharged kami. I named my son “Jaden Zion”, Jaden means “God has heard” and Zion means “Lifted Up”. I was tested mentally, spiritually and physically. Siguro kung hindi dahil sa “faith” na meron ako baka bumigay ako. Never ko nakitang nakaka awa yung situation ko dahil alam ko na hindi ako papabayaan ni Lord. God is real. God is the only one na talagang mula noon hanggang ngayon naging tapat sa buhay ko. Kaya tip lang, when you pray, you really have to believe “AS IF” God already answered your prayer. Matthew 7:7 “Ask and it will be given to you, seek and you will find. Knock and it will be opened to you”. December 25, 2017 @ 1:23pm a miracle baby was born. The best Christmas gift ever! Jaden is the living proof that God is good all the time. Before I end my wonderful motherhood story, hinanap ko yung matangkad na nurse na pinisil ko yung kamay, bibigyan ko sana ng 300 pesos pang merienda kasi hiyang hiya ako na sobra ko sya nasaktan sa kamay kakapisil. Pinahanap ko sa father ko ang sabi ng ob gyne ko, sya lang at isang maliit na nurse ang magkasama. Dalawa lang daw sila nung time na pinapa anak ako. #MyMotherhoodJourney #FaithfulServant #ChristmasBaby #JadenZion #Godisgood

370 Replies

VIP Member

Sa panganganak po tapang lang nmn tlga ang dapat kung tutuusin d mo nmn need ng ksma kapag nanganak ka kc ikaw lang nmn magisa ang iire sa bata tama din ung snbi nila na kaya mo mging normal sa panganganak depnde nalang qng may symtoms ka sa katawan ganyan din aq nung una pray at tapang lang gnawa q kaya na inormal q ang baby q..God is always at our side kahit na sa dami natin pagkakamali ndi prin nya tau pababayaan 😊🙏🏻

True God is Good, Ginagrant nya yung mga wish natin lalo na kung sincere tayo sa pagdarasal 🙏 Pinagdasal ko rin nuon na sana malusog ang baby namin paglabas. And sobrang thankful kami na binigay nya samin yung hiniling namin 🙏 And sobrang nagpapasalamat kami sa taas na hindi nya kami pinabayaan .. Ito yung story na sobrang na Amazed ako 💕💕 We need to believe in his will 🙏

ako nga po since malayo si hubby at di makauwi dahil sa covid from 2 months to 8 months ako lang po mag isa ngpapa check up habang ung iba kung ksamang mummy may kasmang mga asawa andun yung inggit feeling pero sympre dapat magiging matatag para kay baby 👶 at sa awa ng diyos nairaos ng maayos at impt din na nakauwi si hubby 1 week ng pagkapangank ko masya na ako dun 😊

ako akala q di n q mabubuntis dhl low sperm count ang partner ko almost 2years na kme nag try. uminom ng herbal .. wala p ren .. pray aq ng pray na ang sabi ko kay Lord na kht isa lang Lord habang buhay kong pasasalamatan ka at pangakong aalagaan ko sya.. aun im 5months pregnant now.. 32years old na ko.. proven and tested tlga na nakikinig sten c Lord..

Lord! May your will be done din sa akin sa baby ko🙌🏻 December din ako manganganak praying for a safe delivery🙌🏻 Right now doing my best while I'm pregnant. Kain nang healthy and doing some exercise for preparation na rin. Single Mother man but I'm gaining strength through kay Baby at kay Lord❤ #FirsttimeMomhere❤

indeed God is in control..You are blessed Momshie. such an inspiration to us mommies to never lose faith and to keep our trust in God. lalo na sa pandemic ngayon talagang itetest ung katatagan natin. tulungan mu din kaming manganganak palang by praying na sana makaraos din kami at gabayan ni Lord. God bless you more.:)

Nakakaiyak napakabuti talaga ng Panginoon. Ako bilang isang first time mom tanging mas uunahin ko din ang kaligtasan ng anak ko Kahit na anong hirap ng pagbubuntis ko now im 17weeks pregnant. Nagmisscarriage ako last march 2018. At ipinagdadasal ko na ipagkakaloob na to ng Panginoon saming mag asawa. Godbless us

Amen... ang ganda ng story mo sis...may The Lord bless you always... salamat nkka inspired ❤ esp. sa mga kgaya ko n mg isa dn ng ppcheck up at lahat2 n.. ndi mdali...ung wla kang support system..peru dhil anjan si God... alam mong kkayanin mo...... fighting God is good All the time. #SingleParentsoon

Omg.. Naiiyak ako sa story mo.. I'm wondering kng cnu yung matangkad na nurse maybe he's an angel to guide u during ur birth. Or someone that passed away na pumunta para tulungan kayo ni baby sis. Ang galing, another testimony from a strong mom with miracles. 🙏🙏😇😇😍..

Amen ! God is always there for us . Hindi noya tayo kailanman papabayaan , single parent or buo man ang family . Lahat tayo may struggle , may pain pero kung tayo ay mag tiyatiyaga na mag dasal sa Lord at lahat tayo maniniwala at mag expand ang faith lahat ng prayers natin mangyayare.

Trending na Tanong