WARNING! PEDOPHILE ALERT

Nalulungkot ako at nanggigigil habang tinatype to. So may nakita akong "common post" dito. Isang mommy na nagtatanong kung ano nangyari sa skin ng baby niya. So yung question may naka attached na photo (PRIVATE part ng baby girl niya) so as mommies normal lang satin makakita at maging concern. Pero while reading ng mga comments may isang mommy na pinapadelete yung photo dahil may mga PEDOPHILE na raw dito sa app? At first nagduda pa ko, pero heto na nga po, may nakita akong isang reply sa comment. May isang mommy pa na natawa dahil bata lang naman daw. Ibig sabihin hindi pa lahat nakakaalam nito. For TAP sana po magawan ng paraan. Dumudumi na tong app na to. Pinapasok ng mga demonyo.

WARNING! PEDOPHILE ALERT
178 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Demonyong tao yan. Sana magkasakit nang malala yang tao na yan. Kaya po warning sana sa ibang nanay na nagpopost ng genitals ng anak nila tas itatanong kung anong pwede ipahid sa rashes, eh sa pedia nalang kayo mag tanong, wag dito. Kawawa naman mga anak ninyo. Walang muwang pero may mga utak manyakis na nag kakainteres. Ingat nalang din tayo

Magbasa pa