16 weeks preggy and stressful. pakipayuhan po ako,kailangan na kailangan ko.

Nakatira po kami sa biyenan ko for almost 5 years, nag iisang anak na lalaki ang hubby ko. Kung ako po tatanungin nyo, gustong gusto ko na pong bumukod sapagkat mahirap pong makisama dito. Nagkaroon na kami ng gap ng family ng hubby ko last 2017, nung nabalitaan ko na tsinismis ako ng biyenan ko na napakatamad ko daw eh samantalang namasukan akong katulong that time para madagdagan yung budget namin mag asawa. Anyway, tricycle driver po hubby ko. Ayaw nyang mag apply ksi hindi nya daw hawak oras nya.although malakas din naman yung byahe nya madalas. Nakakauwi sya ng 600-900 a day. Pero pag mahina, 500. Regarding sa pagbubukod, ayaw ng biyenan kong lalaki kasi daw nag iisang anak nyang lalaki,so eto daw bahay,eh sa kanya mapupunta,ayoko naman yun ksi may mga anak pa syang dalaga at sila ang nagpagawa ng bahay nila. So lately, naistress ako ksi lagi kaming pinagsasabihan ng masasakit na salita. Yung tipong parang wala kang nararamdaman. Yung parang hindi ka tao na kahit anong sabihin nila,okay lang. So kahapon, may nasabi ang byenan ko na sobrang kinasama ng loob ko,lalo preggy ako at sensitive masyado.tumatawag kasi yung bayaw ni hubby which is sobrang nakakatulong sa kanila especially in terms of financial, kami ksi hindi makatulong ngayon lalo na buntis ako hindi ako makapagwork ksi totally bed rest ako kasi may history ako ng miscarriage. Hindi namin nasagot ang tawag kasi nakacharge sa kwarto at nasa sala kami. Nagalit ang mga byenan ko, bakit hindi namin sinagot,eh kung kami kaya daw ang mangailangan tapos hindi kami sagutin. Gustong gusto kong sumagot kso inalala ko pa rin na magulang sila ng hubby ko. Kaya iniyak ko na lang sa kwarto kaso nag aalala ako ksi baka maapektuhan ang anak ko,gusto ko munang umuwi sa amin kasi sobrang naiistress nako dito kaso ayaw akong iuwi ng mister ko ksi daw sya yung lalaki dapat sya yung masusunod...hindi ko po alam anong gagawin ko. Pakipayuhan naman po ako.

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Actually mahirap po tlaga yan mommy.. And ang mas mahirap is ganyan na ang culture na kinalakihan naten.. hindi naman sa nagdadamot tayo kasi for sure sa parents mo gusto mo din sila matulungan its just that hindi tlaga sapat.. And bilang nanay, iniisip na naten ang future ng mga anak naten the moment na narinig naten ung heartbeat nia.. i am also sure na ayaw mo yung maging dependent ka sa kanila kapag tumanda na tayo, and sila nanaman yung mahihirap.. so what should we do to stop this from happening to our children? plan for your retirement, kumuha ka ng life insurance with investment.. did you know that as low as 60pesos a day masesecure mo na ang future ng mga anak mo.. message me and let me discuss to you how.. i know you just want the best for them.. 😉

Magbasa pa
4y ago

Super agree

VIP Member

Same case tayo momsh di makaalis ang asawa ko dito sa bahay nila kc nagiisa syang lalake pero ang ginawa ni hubby pinarenovate nya yung bahay ng byenan ko kumuha sya ng espasyo na sakto lang samin maliit na sala, kusina, banyo at 1bedroom. Nakaseperate din kami ng pinto kaya kahit magkulong ako wala ng paki yung mga inlaws ko. Nung dipa kami nakabukod ang hirap mag-ipon kc hubby ko lahat bahala. Kaya nakampante ako nung nagkusa asawa ko na ibukod tirahan namin pati kuryente.kung tlgang ayaw nila paalisin asawa mo suggest mo nlng kay hubby bumukod kayo ng kusina makihati sa bill ganun😊mahirap tlga makisama sa mga inlaws kahit sabihin mong mabait sila meron at meron parin kayong di magugustuhan sa isat isa.

Magbasa pa

umuwi ka sa inyo. isipin mo ang anak nyo. kausapin mo mister mo at sabihin mo,oo sya ang lalaki. pero hindi dapat sya ang nasusunod. dapat parehas nyong desisyon. at since nakakasama pagstay mo sa kanila,at wala naman sya magawa,mas mabuting umuwi kna muna sa inyo. ipaliwanag mo ang sitwasyon mo ngayon at ang stress na dinadanas mo at ng baby nyo sa kanila. kung mahal ka talaga ng asawa mo at baby nyo,iisipin niya kapakanan nyo mag-ina. tandaan,hindi pwedeng dalawa ang reyna sa isang palasyo. meron at meron mapupuna sayo kahit na sobrang sipag at bait mo na.

Magbasa pa

Ate girl, mahirap talaga sitwasyon mo kasi nakapisan ka and Hindi kana gaming ka settled in terms of financial much better mafioso kayo ni hubby Na need more Mag vacation on your own family for you to be relieve kung anu man nararamdaman MO. Always remember mas mainam Na nagkakasundo kayo Mag asawa compare ng OK kayo ng family pero c partner kasamaan mo ng loob. Better to explain things on your husband and be honest as always...Godspeed ate girl

Magbasa pa
VIP Member

Kaya dapat talaga nakbukod kayo. Kasi iba talaga kapag mrami kayo mgkksma sa bahay. Marming bibig na mgsasalita at maraming mga mata na titingin sa bawat galaw mo. Ang lalakeng may buto at hindi takot sa responsibilidad, hindi takot ibukod ang sarili nyang pmilya. Kami nga ng asawa ko, pagkakasal namin agad bumukod na kmi. Dun na kmi umuwi sa kanila. Pero may sarili pa din kaming bahay. Katabi lang namin mga pinsan at kapatid nya.

Magbasa pa

umuwe ka kung ayaw kang ihatid ng asawa mo eh di gumawa ka na lang ng paraan..kesa magtiis ka jan at maapektuhan ang baby mo..nakunan kana date sabi mo kung lage kang stress hinde malabong mangyari yun..wag mong ipagsapalaran ang buhay ni baby at kaligayahan mo..hinde na uso yung kung sino ang lalaki sya masusunod..ikaw ang nahihirapan at ang baby mo..pag umalis ka jan susunod din sayo ang asawa mo..para sa baby mo umuwe kana lang

Magbasa pa

sama tayo halos ng case sis, yung halos gawin kna katulong pero ttwgn ka prin tamad. tapos gusto nila sila lahat ang nasusunod. kht anung gwin mo pakikisama ng maganda pag may hindi ka agad na gawa sa mga gusto nila kung anu anu n agd ssbhn sayo naakla mo nawala ka ginawang tama. mswerte kna lang kasi mabait ang asawa mo. d nmn lahat swerte, may iba swerte s beanan malas s asawa, ang iba naman swerte sa asawa malas sa beanan

Magbasa pa

Pilitin mo po hubby mo na bumukod kayo. Kahit maliit lang. Kahit magrent kayo. Kahit kubo pa. Basta bumukod kayo. Believe me, sobrang ginhawa ang mararamdaman mo lalo gnyan mga byenan mo. Sakin sobrang bait ng mga biyenan ko, pero isa sa kondisyon ko tlga sa hubby ko na kahit magrent kami basta magsarili kami. Sakanya din binibigay yung bahay nila someday pero okay lang yun need yun ng parents nila pagtanda.

Magbasa pa
VIP Member

Same exp mamsh nung preggy ako. Ang ginawa ko umalis talaga ako at umuwi ako sa amin kesa maapektuhan pa pinag by buntis ko dahil sa stress. Sinabi ko kay hubby na ilang taon na ako nag titiis sa byenan ko, ngayong buntis ako baka pwede namang wag ako mag tiis. Kaya umalis talaga ako. Tapos after ilang weeks sumunod din si hubby sa akin sa bahay namin.

Magbasa pa

same case yung may pakielamera kang byenan .. wala nalang tayong magawa kasi ang mister natin ang masusunod .. wag mo nalang pansinin dedmahin mo pag may sinasabi sayo mag earphone ka para ma relax utak mo .. ganyan ginagawa ko tas lagi ako nakikipag usap kay mister ng mga positive para mawala sa isip ko yung stress sa magulang nya

Magbasa pa