16 weeks preggy and stressful. pakipayuhan po ako,kailangan na kailangan ko.

Nakatira po kami sa biyenan ko for almost 5 years, nag iisang anak na lalaki ang hubby ko. Kung ako po tatanungin nyo, gustong gusto ko na pong bumukod sapagkat mahirap pong makisama dito. Nagkaroon na kami ng gap ng family ng hubby ko last 2017, nung nabalitaan ko na tsinismis ako ng biyenan ko na napakatamad ko daw eh samantalang namasukan akong katulong that time para madagdagan yung budget namin mag asawa. Anyway, tricycle driver po hubby ko. Ayaw nyang mag apply ksi hindi nya daw hawak oras nya.although malakas din naman yung byahe nya madalas. Nakakauwi sya ng 600-900 a day. Pero pag mahina, 500. Regarding sa pagbubukod, ayaw ng biyenan kong lalaki kasi daw nag iisang anak nyang lalaki,so eto daw bahay,eh sa kanya mapupunta,ayoko naman yun ksi may mga anak pa syang dalaga at sila ang nagpagawa ng bahay nila. So lately, naistress ako ksi lagi kaming pinagsasabihan ng masasakit na salita. Yung tipong parang wala kang nararamdaman. Yung parang hindi ka tao na kahit anong sabihin nila,okay lang. So kahapon, may nasabi ang byenan ko na sobrang kinasama ng loob ko,lalo preggy ako at sensitive masyado.tumatawag kasi yung bayaw ni hubby which is sobrang nakakatulong sa kanila especially in terms of financial, kami ksi hindi makatulong ngayon lalo na buntis ako hindi ako makapagwork ksi totally bed rest ako kasi may history ako ng miscarriage. Hindi namin nasagot ang tawag kasi nakacharge sa kwarto at nasa sala kami. Nagalit ang mga byenan ko, bakit hindi namin sinagot,eh kung kami kaya daw ang mangailangan tapos hindi kami sagutin. Gustong gusto kong sumagot kso inalala ko pa rin na magulang sila ng hubby ko. Kaya iniyak ko na lang sa kwarto kaso nag aalala ako ksi baka maapektuhan ang anak ko,gusto ko munang umuwi sa amin kasi sobrang naiistress nako dito kaso ayaw akong iuwi ng mister ko ksi daw sya yung lalaki dapat sya yung masusunod...hindi ko po alam anong gagawin ko. Pakipayuhan naman po ako.

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

umuwi ka na po, wag mo na pong pahirapan sarili mo. delikado pa man din at may history ka na po ng miscarriage pala kaya mas kailang nyo po na maingatan sarili nyo para less stress at maalagaan ka ng mas mabuti sa inyo. dapat ikaw ang masunod una sa lahat dahil ikaw.ang apektado hindi namam sila.

VIP Member

Mommy uwi kanalang sainyo. Kesa po hindi maganda pinapakita ng biyenan mo. Lalo ngayon buntis ka at may history ka nang miscarriage. Isipin mo nalang yung nakakabuti sainyo ni baby. hay. Lalo kalang maiistress kapag nakakasama mo ganyan ang tingin sayo, ni hindi ka kayang pakitahan ng mabuti.

Sasabihan din aq ng tamad at hindi nag luluto.. eh halos ako n nga nag dadamo sa bakuran, na dating pag kadumi dumi.. nag mop ng sahig.,magtanim ng halaman, maglinis sa loob ng bahay.. lahat na ginawa mo sahihan.kapa rin ng tamad..sasabyan pa ng paki elamerang hipag at tsimosang hipag...

Mahihirapan ka pong bumukod, baka wala kang makatulong after manganak. Then baka po kulangin kayo kasi maliit lang kita ni asawa. Mahal po paupahan ngayon. Tiis po muna. After mo manganak at okay ka na ulit. Baka pwede na kayo bumukod. Opinyon ko lang po 😞

VIP Member

Kung ako sis, umuwi ka muna sainyo kesa mastress ka palagi, kung ayaw ka samahan ng asawa mo edi maiwan sya sa bahay nila wag mo irisk si baby mas mahirap pag nasstress ka everyday. Kung maiintindihan ka ng asawa mo, ikaw ang masusunod dis time

Kapal naman ng asawa mong sabihan kang sya yung lalaki at sya masusunod eh di nga nya ikaw maialis sa impyernong bahay nila. Umuwi kana sa inyo hayaan mo yang asawa mo! Magsama kamo sila ng magulang nyang tsismosa.

umuwi kana momy wag kang magpaka stress bawal yan sa atin na may karanasan na nang mescarrige kaya ako nga pag nag aaway kami nnag hubby ko sinasabihan ko sya na uuwi ako saamin kahit subrang layo hehe takot sya

I feel u momshie , nangyari sakin yan naramdaman ko yang naramdaman mo ngaun.. pero luckily dahil sa nangyari napilitan asawa q na pumayag at bumukod kami.. kasi ayaw tlaga ng asawa ko dati na bumukod kami...

Same here! Been living with my inlaw for almost 2 yrs and when I got pregnant her attitude is still the same so I go straight at home. My hubby follow me.... its not for you its for the baby. Leave stress

Assert your right for peaceful, loving and secured place to stay. . May right k din dun.nasa Inyo n Po pano mo kakausapin si husband mo. Mas kilala mo siya kesa samin.. otherwise mag titiis ka tlga.