Paadvice naman po mga Momshies
Hello po mga momshies. Hingi po sana ako ng advice sa inyo, alam ko po ksi na mas may experience kayo lalo na 1st timer po ako sa buhay may asawa. Nakatira po kami sa biyenan ko, actually gusto na po namin bumukod tlaga. Etong mga biyenan ko lang ang may ayaw ksi nag iisang lalaki po ang mister ko. So gusto nila, dito daw kami ksi pag dumating man daw yung araw na mawala sila, etong mister ko daw po yung magmamana ng mga ari arian nila. Ang problema po eto, nawalan po ng trabaho si mister at ako po, so nahirapan kami sa everyday expenses po namin. So since may tricycle si mister,yun yung ginawang work po nya. Halos everyday syang namamasada. Pero mahina po ang kita nya,nakaka-300 lang po sya araw araw. Tapos po yung ipon namin,nagamit po nung march,ksi nakunan po ako sa 1st baby namin. So as in wala na po tlaga kami. Sa pagbabayad po ng kuryente at tubig,nakakapagbigay naman po kami nung may work po kami pareho,monthly po yun,kung may nakakaligtaan man kami na month,dodoblehin namin the next month,pero etong mga nakaraan mga buwan po hindi na po kami nakakapagbigay, dahil sa nawalan po kami ng trabaho,tapos mahina po kita ni mister,ako naman po hindi makapagtrabaho ksi buntis po ako now, 2months at napakaselan po,totally bedrest. Eto naman pong hipag ko na maganda ang trabaho,binubungangaan kami bakit hindi daw kami magbigay, eh kahit gusto namin magbigay,wala kaming maibigay. Naiistress po ako momshies...alam kong masama sa akin ang mastress kaso hindi ko maiwasan. Ni hindi man lang kami iniintindi.,hindi naman kami naging madamot nung meron kami. Paadvice naman po kung ano dapat ko pong gawin.???