ASO

Nakatira kami ni LIP sa bahay ng family nya. Wala naman problema, sobrang bait nilang lahat. Problema ko lang is yung may shitzu kami na mahal na mahal namin, kaso kasi ginagarapata nanaman sya, malapit na lumabas baby ko, nag aalala lang ako kasi baka makasama yun sa baby namin, pero soon naman once na fully develop na si baby syempre maganda kung close sila nung aso. Dito natutulog yung aso sa kwarto, lalo na pag nag aaircon, yung mga garapata pa naman nun minsan nasa kama gumagapang or ginagapangan kana or madalas madami sa pader nagpapaligsahan, or nasa lapag naman matatapakan mo tas puro dugo lapag kaya lagi ko winawalis nun tsaka punas na may alcohol. Lahat na ng sabon, natry na namin, maganda naman, effective kaso bumalik ulit, may nilalagay naman ang vet mawawala naman tas babalik. Sinabihan ko si LIP na since lalabas na si baby ng September, wag na muna kako papasukin sa kwarto para paglabas ni baby walang problema, kaso naging sagot naman ni LIP sakin is "grabe ka naman" which is expression nya lang naman. Nainis lang ako ng konti kaya nasabi ko e mas okay na yung sure, kako mamili sya, safety ba kako ng anak nya or what. Medyo nakakakonsensya din kasi nakakaawa yung aso pero kasi first baby ko yun, syempre medyo paranoid ako or OA. Nahihiya din tuloy ako kasi di ko naman bahay to para pagbawalan yung aso sa kwarto namin ni LIP. Tsaka kung tutuusin mas gusto ko magsimula ngayon na wag muna papasukin e, kaso yun nga, wala naman akong karapatan. Di ko alam kung tama lang ba yung nirerequest ko, or di ko dapat ikabahala yun. ?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sevin powder sa buong room nyo para lahat mawala. Saka sabi mo nga minsan natatapakan...once pinisa mo kasi ang garapata lalong dumadami. May aso din ako, nung preggy ako nasa loob sya ng bahay. Pero di ko sya katabi matulog. Nasa cage nya sya pag gabi pero nasa tabi ko lang din yung cage. Before ako nanganak, sa garage ko na sya pinatira. Ayoko sana syang ilabas kasi nasanay na sya na nasa loob at the same time naaawa ako pero sabi nila mas kawawa ang baby since premature anak ko, tapos ang daming balahibo nung aso nagkalat. Kaya kahit masakit sakin, madalas ko syang sinisilip sa bintana noon, nakikita ko nasa door sya naghihintay ng may mag open. Iyak ako nung time na yun kasi naawa ako hanggang nasanay naman na din sya sa labas.

Magbasa pa
5y ago

Paampon nyo nlng sa iba aso nyo kung di nyo maalagaan

VIP Member

Gamit namin sa mga dogs namin is yung Quickplus. Liquid sya sis tapos nilalagay lang sa may batok nila. Nagde-deworm din kami sa kanila regularly (nakakatulong din kasi yan para ma-lessen ang mga fleas). Tapos simula talaga nung nalaman ko na buntis ako, tine-train na namin sila na hindi sa kwarto matulog. Ok lang tumambay mga 2 oras. Tapos ngayon sanay na rin sila sa labas ng bahay matulog. Gated naman yung compound namin tapos malinis din. Necessary adjustments have to be done kasi syempre #1 priority natin si baby di ba, pero di ibig sabihin na dapat pabayaan nalang din mga aso. :)

Magbasa pa
VIP Member

Kahit po mawala ang garapata ng aso sa katawan.may kakapit at kakapit pa din po jn. .lalo na kung may mga naiiwan na kuto sa pader kasi minsan sa pader mismo nangingitlog din sila. May aso din po kmi dati. . Ang daming kuto sa pader na ngsidikitan. Khit anung sabon walang talab. . Kya pinamigay na nmin yung aso kasi delikado din sa mga bata, bka kgatin ng garapata. . Linisan nyo na lng po siguro buong kwarto nyo bka my mga naligaw jn na garapata. .

Magbasa pa

Tama lang po ung request mo kc ung garapata pwede po magbigay ng Lyme disease which is sobrang delikado lalo na sa NB. Now kung ayaw naman nila na paalisin ung aso sa kwarto, dapat imaintain ung gamot na anti-tick pag labas kay baby. Ung binigay na gamot sa aso (labrador) ng partner ko umaabot namn 6mos. Parang chocolate lang un, pinakain lang. So pwedeng un nlng sana gawin ni hubby mo para pwede pa rin ung aso sa room nyo at safe sya kay baby..

Magbasa pa

Painumin ng NEXGARD very effective within 24hrs malalagas ng kusa ang lahat ng garapata others will be falling dead sa floor and in less than a week paliguan mo si furbaby mo para pwede na ulit sya tumabi sau, then linisan mi din ng tenga regular kasi minsan nakasiksik naman sa tenga nila garapata. Kung may budget use BRAVECTO same result pero mas matagal ang effectivity around 3months.

Magbasa pa

Frontline o kaya bravecto/nexgard. Yung chewable na tablet anti tick. Sobrang effective. Tagal ko din naging problema yang garapata since nagsummer. Isa pa, maglinis po kayo ng bahay, make sure na isanitize. Pagawa mo mommy sa iba kasi need mazonrox ung bahay, lalo na floor and walls. Labhan lahat ng gamit/hinihigaan ni shihtzu. Much better kung ibibleach din.

Magbasa pa
VIP Member

frontline lng katapat nian momsh.. every month papatakan siya nun sa my batok nia.. tpos, vetnoderm na sabon ang gamitin mo sknya.. super effective niang dalawa na yan.. and ipa groom mo si doggie. much better pakalbo mo.. then frontline every month. ok na yun.. mwawala garapata at kuto nian..

Shitzu ko rin po napaka kutuhin as in ambilis dumami ng kuto nya ginamitan ko na po ng mga pampatak pero ang dami parin. Tapos etong dog powder lang po yung umeffect nilalagay ko lang sya s batok or kung saan man nag iitlog yung garapata ngayon wala na syang garapata kahit isa. 😀

Post reply image

Baka makatulong po, ung bayopet na sabon. 85 pesos lng sya. Effective sya. Kung d pa po natry, subukan nyo po un. Then dalasan po pagpaligo sa aso. Mas ok ksi na mawala tlga garapata nya kht ksi d mo patulugin sa loob ng room nyo, gumagapang ksi un, ndi ntn msabi.

VIP Member

Frontline.. Meron dn tableta pra hnd mgka kuto forgot d name peo nsa 500 n un. Kya frontline lng dn gmet ng dlawang babies q (pets) pinapliguan q dn ng sevin (powder) aftr msabunan at shampoo. Last un sevin tas hnd n babanlawan..