Help po.

Kung kayo po ba nasa position ko uuwi po ba muna kayo sa lola nyo? Ganto po kasi yan, kasama ko po lip ko dito sa kanila kakapanganak ko palang po nung june 15. Ftm syempre wala pa masyadong alam sa pagaalaga, asa lang ako sa pagtatanong sa apps tska sa mama ko na nasa malayo. Yung mama po kasi ni lip may work at minsan lang nakakauwi dito kaya wala talaga akong katulong. Si lip naman po takot pa kargahin baby namin kaya halos ako na po lahat, sa akin po okay lang naman yon kasi nakakatanggal naman ng pagod pag titigan ko baby ko at lalaruin. Ang kaso magkakasakit na po ata ako kakapuyat. Lagi po nasakit ang ulo ko sobra biglaan, tas bigla bigla nalang ako makakaramdam ng hilo. Tas ngayon po inuubo ako na may plema. Sabi sakin ni mama uwi na muna ako sa lola ko para meron akong kasama na maalam sa bata at may tutulong sakin. Uuwi po ba ako mga momsh? Lapit lang naman bahay nila dito kaso kakatakot padin dahil sa virus huhu. Tska baka magtampo din si lip kasi iiwan muna namin sya.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis nasa sayo yan kung ano yung priority mo. Kung gusto mong maalagaan ng maayos si baby and makapagpahinga din since sabi mo nga nagkakasamit ka na, dun ka muna sa lola mo. Pag hindi ka gumaling, baka sayo pa makuha ni baby yung sakit. Pero kung mas priority mo naman yung partner mo na di rin masyado nakakatulong sa pag aalaga kay baby, stay. ☺️

Magbasa pa
VIP Member

Uwi ka muna para me katuwang ka pag aalaga, pwede ka namn dalawin ng partner mo.