ASO

Nakatira kami ni LIP sa bahay ng family nya. Wala naman problema, sobrang bait nilang lahat. Problema ko lang is yung may shitzu kami na mahal na mahal namin, kaso kasi ginagarapata nanaman sya, malapit na lumabas baby ko, nag aalala lang ako kasi baka makasama yun sa baby namin, pero soon naman once na fully develop na si baby syempre maganda kung close sila nung aso. Dito natutulog yung aso sa kwarto, lalo na pag nag aaircon, yung mga garapata pa naman nun minsan nasa kama gumagapang or ginagapangan kana or madalas madami sa pader nagpapaligsahan, or nasa lapag naman matatapakan mo tas puro dugo lapag kaya lagi ko winawalis nun tsaka punas na may alcohol. Lahat na ng sabon, natry na namin, maganda naman, effective kaso bumalik ulit, may nilalagay naman ang vet mawawala naman tas babalik. Sinabihan ko si LIP na since lalabas na si baby ng September, wag na muna kako papasukin sa kwarto para paglabas ni baby walang problema, kaso naging sagot naman ni LIP sakin is "grabe ka naman" which is expression nya lang naman. Nainis lang ako ng konti kaya nasabi ko e mas okay na yung sure, kako mamili sya, safety ba kako ng anak nya or what. Medyo nakakakonsensya din kasi nakakaawa yung aso pero kasi first baby ko yun, syempre medyo paranoid ako or OA. Nahihiya din tuloy ako kasi di ko naman bahay to para pagbawalan yung aso sa kwarto namin ni LIP. Tsaka kung tutuusin mas gusto ko magsimula ngayon na wag muna papasukin e, kaso yun nga, wala naman akong karapatan. Di ko alam kung tama lang ba yung nirerequest ko, or di ko dapat ikabahala yun. ?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try mo frontline effective yun tapos wag mo muna paliguan ng 1 week ubos yang garapata. Tapos yung sa may pader naman papunasan mo sa lip mo ng tubig na may zonrox at wag na wag nyo titirisin ang garapata kasi lalo dadami yan

VIP Member

Prioritize nyo muna sana health & safety ni baby once lumabas na sya. Pakiusapan mo na lang mabuti LiP mo po na wag na lang papasukin ang aso.lalo pag labas na ni baby. Better safe c baby than sorry. Be firm.

May spitz kami, kapal din ng balahibo nya mas makapal pa nga sa shitszu. Ginagarapata din sya mostly sa palad pag lumalabas sya ng bahay. Dapat nasa loob lang ng bahay ung aso saka wag muna sa kwarto nyo

Okay lang po yan. Mas isipin mo si baby ngayon. Ako nga din gustong gusto kong mag'alaga ulit ng pusa ngayon pero bawal daw makaamoy or maglinis ng dumi. Kaya wag nalang muna.

Sis layo mo muna yung aso sa baby lalo na mabalahibo yung ganang aso malalanghap lang ni baby at baka makagat ng garapata si baby nako

Baka. Po maallergy si baby kasi may alaga din po kming rabbit nuon binenta ko nlng bgo ako. Manganak kasi po mabalahibo yun...

Spray na dapat mamsh. Pati yung mga corners ng room lagyan nyo na di lang yung dog mismo. Super effective nun.

VIP Member

Ipavet nyo po my irereseta po para sa dog nyo tska paliguan nyo po palagi at kutuhan

Parehas silang may timbang sa puso mo pero mas mainam na unahin mo ang sanggol.

Patakan nyo po ung aso nyo ng frontline medyo mahal pero alis agad mga garapata