Seeking for advice mga sis

Nakapamili na ko ng mga simple needs ni baby namen kasi kabuwanan ko na sa march pero sa baby bath di ako makapagdecide, ano po ba maganda bilhin? Kasi gusto ko yung quality talaga di magkakarashes si baby or magddry balat ganon pero at the same time nahihirapan ako magdecide kasi ang mamahal pero kung para kay baby diba why not? Please advice po. And sa diaper ano po maganda? Ang prefer ko po sana is Pampers newborn pero parang ang hirap maghanap sa market? Tapos need ko na ba talaga bumili ng feeding bottle agad? Thank you in advance please help, first time parents kami ng asawa ko. We'll seek advice din sa mga mothers namin. Gusto ko mabasa mga experiences nyo mamsh. Help.

Seeking for advice mga sis
144 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

maganda po maliliit muna bilhin mo momsh, cetaphil ung bigay samen ng pedia, ok naman kay baby. sa diaper natry namen ung huggies, eq, mamypoko at pampers. ok naman si huggies maliit size nya compared sa iba kaya aun nagamit namen. pero mas hiyang si baby sa pampers premium, kaya ngaung malaki laki na sya aun gamit namen. abang ka online ng sale, last tym laki ng nadiscount namen. ung feeding bottles, 2 lang binili ko (pigeon at avent) di ko talaga dinamihan para mapush ko ang sarili ko na magbf. pero nagamit din namen kase may vitamins si baby na kelangan tunawin...ok naman parehas, kase di naman naaffect pagbbf ko kay baby kahit minsan nakabote sya. basta konti konti lang muna bilhin mo momsh, para kung san sya mahiyang aun gamitin mo. kanya kanya pa din naman yan. 😊😊

Magbasa pa
6y ago

Thanks mamsh