Share kolang mga mamsh
Nakakatuwa na kahit hindi kami nakabukod ni hubby ramdam ko na belong ako sa kanila. Never silang nagdamot sa lahat ng bagay. Nung nabuntis ako dapat bubukod na talaga kami pero sila yung naginsist na wag kasi ayaw nila dahil malaki naman daw bahay bakit kailangan pang umalis may mga sari sarili namang kwarto ang lahat halos sila din sumagot ng kasal namin. Hindi kami sinisingil sa lahat ng expenses like tubig, kuryente, wifi and foods. Kahit anong pagkain nakalagay sa pantry pede ka kumuha magagalit sila pag hindi papansinin mga foods don kasi nga binili nila yon para sa lahat hahaha Ang best part pa never silang nakielam samin ng asawa ko especially sa pag gastos namin wala kang madidinig na “bat pa kayo nabili nyan hindi naman yan kailangan ni baby” kasi once sinabi sakin ni mama (mama ni hubby) “kung san kayo masaya at kampanti dun kayo” kapag nagaaway kami ni hubby kahit nadidinig nila wala kang madidinig sa kanila na kahit anong salita na parang nangingielam sila kasi alam nila at sanay sila yung away namin ni hubby saglit lang okay na uli kami. Yung kahit sila yung nag insist na wag na kami umalis or bumukod nakakatuwa na binibigyan nila kami ng sariling mundo🥺 Sorry napashare lang kasi yung mismong side ko never ako nakamusta so hindi ako makapag kwento sa kanila. Mangangamusta lang parents ko pag hihingi ng pera. Nung 2months preggy ako nandon pako sa bahay nakatira yung kahit hindi naman nila pera pagagalitan nila ko kasi twice ako nagpa tvs nung nalaman kong buntis ako, nagalit sila kasi bumili ako ng gamot ko sa pagsusuka kesyo normal lang daw yon bat daw kailangan kopa bumili. Eh sa iyon yung nirequest ni ob eh. Never ako humingi kahit piso sa parents ko simula nagkapamilya ko tas sumama pa loob nila pag diko sila napagbibigyan pag humihingi sila sakin ng pera.