Need advice regarding sa aming financial situation
Hi mga mhie. Need ko lang ng advice sa dapat gawin or baka may insights kayo na masshare nyo saakin or experience. Bale kasal na kami ni hubby since August and may newborn baby ngayong Nov. Since nung di pa kami married before si hubby na sumagot ng bills (kuryente, tubig, at internet), sya na din sumagot ng hulog sa pag-ibig ng paupahan nila, pero pinangakuan kami na magiging samin yung apartment, and then sinabi ng mama nya na if mag move in ako sakanila di na daw nila kakayanin ang food expenses (although mag-isa lang naman ako na nag move in). I am giving 7k a month for their food. Then baka next year baka pag-aralin pa ni hubby kapatid nya sa private college, mukhang ayaw na kasi ng kapatid nya sa state univ. Ako naman since umalis ako sa poder ng magulang ko, nag-insist ako na magbayad padin ng kuryente at internet nila kahit papano pero kaya naman nila ang other expenses. So yung question ko, okay lang ba talaga tong sitwasyon namin? Na halos lahat kami ang nagastos? Di ko alam if dapat akong ma-alarm kasi nakikitira kami. Kaya namin bumuo ng bahay kaso di namin kakayanin kasi kami na halos bumubuhay sa magulang nya. Penge ako insights mga mamsh! salamat