What time ka usually natutulog?
Nakakatulog ka ba nang maaga?
12-2 am. Currenty on my 15th week at gusto ko sana maaga matulog para sa health namin ni baby. Kaya lang di ako inaantok ng maaga. 😭 Madalas sumasakit pa upper back and shoulders ko sa kakahiga para lang antukin. Pero bawi naman po kasi late na ako magising, so na complete ko naman yung 6-8 hrs. Mga momshies, ok lang ba magpuyat ng ganito? Mula 1st tri ko ganito sleeping pattern ko.
Magbasa paim 34weeks at sinisikap ko matulog atleast before 10pm. gigising ako mga bandang 12am,1am or 2am para umihi at paihiin ang panganay ko. then 5am gigising na para mag walk exercise ng atleast 1hour. iniiwasan ko talaga matulog sa araw para madali lang ako makatulog sa gabi. heheh
As of now po 2am or 3am kase po di ako makatulog basta dahil sa sakit ng balakang at puson ko. Anytips po para maging maayos ang tulog. But kabuwanan ko na din po kase kaya ganito po siguro talaga 8 days to go mag hello world napo ang baby ko hehe.
10pm kapag tulog na si baby tutulog na din ako kc minsan maaga sya magising tapos milk time pa nya every 4hrs kaya kailangan ko ng sabayan ng tulog😊 buti supportive si hubby yung mga di ko natapos na gawaing bahay sya na ang gumagawa.
11pm tapos gigisng ng 2am at 4am para umihi. Tapos may pruritic PUPPP rash pa ako kaya yung 2am to 5am gising ako sa sobrang kati, makakatulog ako before 6am tapos gigising pinaka late na yung 8am. 34weeks pregnant
12-2am din. masarap sanang matulog ng derecho 6-8 hrs kaso mapapagising nalang ako madalas sa gutom/pag-ihi so gigising din after 2-3hrs para umihi at mag snack. 8weeks preggy pa lang ako pero grabe nakakapanibago
Gusto ko sana mas maaga kaso pagtulog lang si baby don ko lang iba nagagawa o natatapos yung work ko kaya medyo late na. Dapat 12 or bago mag 1am makatulog na ko para di masyado antok pag nagising si baby uli
3am. then gigising ng 12pm. 9hrs sleep pero di ko alam kung healthy ba Kay baby kase 8pm ng gabi huling kaen ko kinabukasan ng 12pm na ulit ako kakaen. parang 16hrs pagitan ng kaen ko. I'm 22weeks preggy now
Kala ko ako lang ang laging nakakatulog ng past 2am na simula nang nagstart yung pregnancy ko. Dati naman maaga talaga kong nakakatulog. I don't know bakit ganito. Any advice po para makatulog agad?
Usually 12am to 2am na. pano nmn kasi gustuhin ko mn mtulog ng maaga pero fi tlg ako maktulog. eto na ksi nkasanayan ko. then gabi lng ako mkkawork ng maayos. kasi sa umaga prio mga kids at iba pa.
soon to be mommy