Baby shaming

Nakakasama lang ng loob bilang isang ina na pabiro nilang nilalait ang anak ko. “Mataas ang ilong” “Patangusin mo ilong ng anak mo” “Pango” Tinatawanan ko lang nung una, pero paulit ulit na lalaitin ung anak ko ang sakit pala. May ginawa bang masama ung anak ko para laitin ng ganon. Masakit para saken na sa lahat ng hirap ko simula nung pinag bubuntis ko sya hanggang sa pag papanganak ko sakanya. Akala ko matatapos na, yun pala mas masakit pa ung mga lait ng tao kesa sa literal na sakit na naramdaman ko nung nag labour ako. Di ko akalain na di makakaligtas sa panlalait ang anak ko. Normal ko naman pinanganak ang baby ko ng dahil lang sa hindi matangos ang ilong nya kailangan nyang makatanggap ng mga mapanglait na salita 😭😭💔💔

Baby shaming
96 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

momsh, wag mo po sila patulan at wag mo rin pansinin. ipasa-Diyos na lang po natin ginagawa nila sa batang walang kamuwang-muwang at inosente. Ang mahalaga malusog si baby and raise the child with love and care, with proper guidance, with good manners and right conduct. Bukod sa wala sila ganap sa buhay, nanlalait siguro sila ng bata kasi nalait din mga anak nila kaya ginagawa nila un sa anak mo. Dont worry momsh un mga gnyn klase ng tao nanlalait sa baby mo better to pray for them kasi they will eventually come to the point na sila mismo marealise nila na mali sila, and they might experience themselves more than babyshaming. btw, nsa genes na ng Pinoy pagiging Pango, di naten mababago yan kung nsa genes talaga. Nothing is new on that cos its a fact na pango tlga tayo mga Pinoy not unless halfhalf ang lahi or pure foreignblood, un mga nagsasalita ng ganyan sa babymo sbhin mo kuha sila salamin, tignan muna nila sarili nila bago sila mangialam ng buhay ng iba! Anyway, cute cute kaya ni baby 😍

Magbasa pa