Gusto Ko Nang Magpakalayo Kasama Ang Magiging Anak Ko..

Nakakapagod na, ung tipong buntis kana at nasa 3rd trimester kana at madami kanang iniinda lalo na 1st time ko palang magkaroon ng baby... Sya padin paglilingkuran, sya padin iintindihin ko, sya padin uunawain ko...sya lahat lahat.... Alam ko may flaws ako pero alam mo ung lahat ikaw na gumagalaw? Ung tipong pinag usapan nyo ng maayos at nangako pa then kalaunan din AKO DIN ANG GAGALAW... Kesyo ganito antok daw sya un pala nagpapaka busy sa phone, tas ito naman si AKO ako na gagalaw sa paglalaba, kesyo namatayan sya sgue ako padin ang gagalaw kasi nya panglaban nya NAMATAYAN SYA. Nirerespeto ko un dahil tatay nya un.. Pero ung tipong sobra na? Pinag usapan pa na magtulungan pero ano? Ako padin ako padin kahit putang ina may mga iniinda na ako masakit lagi ang balakang ko tas sa baba ng puson ko, masakit din ang ulo at katawan ko dahil sa ako padin ang gumagalaw walang ka teamwork teamwork. Nakakapagod na, kung may rason sya na ginagawa nya yun edi aalis na kami ng anak ko. Ayaw ko na kasi.... Pasensya na kayo, wala ako makausap, wala ako masabihan. Sobrang sakit na kasi.. Lagi nalang namin to pinag aawayan sa dulo ako padin ako padin....

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Di ko po alam kung makakatulong yung advise ko. Di naman po kasi kami nagsasama ng partner ko kaya di ako nakakarelate sa nararanasan nyo po. Pero sa tingin ko po, mas maganda kung uuwi ka muna sa inyo kahit ilang araw lang. Magpahinga ka po muna. Malalaman mo po kung ano ang magiging reaction ng asawa/partner mo if susuyuin ka nya at mangangako na tutulungan ka or magmamatigas sya at itataas nya ang pride nya.

Magbasa pa
5y ago

Salamat sa comment, yan din ang balak ko pero pag nakalikom ako ng pera uuwi nalang ako sa probinsya.