EBF vs Formula Feeding

Nakakalungkot makita na yung ibang mga nanay na may kakayanang mag EBF e napaka baba ng tingin sa mga nanay na walang choice kundi magformula. Breastmilk is best. Oo, pero wag nyo naman ipamukha sa ibang nanay na napakasama nilang tao pag nagformula sila dahil wala naman silang choice kung wala talagang gatas ang dede nila. E sa wala talaga kahit ilang linggo at ilang buwan na ipasuso e. Akala nyo ba ayaw nila magpasuso? Nangarap din magbreastfeed yang mga yan pero di talaga nila kaya. Wag nyo naman mata-matahin. EBF moms are the best moms in the world at napakaperfect nyo po. Sure. Keep it up.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nasstress din ako nung first few days ko kase wala akong nakikitang gatas habang naglalatch si lo. buti sinabihan ako Ng nurse na sobrang liit paLang Ng bituka Ng newborn Kaya wag magworry palatch Lang Ng palatch kahit konti makukuha. nung umuwi na Kami sa bahay pressured ako masyado kase gusto Makita Ng mother KO na nagtutulo Yong gatas sa breast ko. e sabi KO Hindi Naman umiiyak Kaya may nadedede yan. Kaya yon Panay inom at Kain kahit ano Pampagatas hanggang umabot na sa 2oz tuwing pump. nagpump Pala ako kase nagcracked na Yong nipple KO kakalatch ni baby. napapansin KO Lang pag stress o feeling emotional depressed ako humihina Yong supply KO. at lalo na kapag Hindi masyado nakainom Ng tubig. Kaya iwasan ang mastress mommies.

Magbasa pa