EBF vs Formula Feeding

Nakakalungkot makita na yung ibang mga nanay na may kakayanang mag EBF e napaka baba ng tingin sa mga nanay na walang choice kundi magformula. Breastmilk is best. Oo, pero wag nyo naman ipamukha sa ibang nanay na napakasama nilang tao pag nagformula sila dahil wala naman silang choice kung wala talagang gatas ang dede nila. E sa wala talaga kahit ilang linggo at ilang buwan na ipasuso e. Akala nyo ba ayaw nila magpasuso? Nangarap din magbreastfeed yang mga yan pero di talaga nila kaya. Wag nyo naman mata-matahin. EBF moms are the best moms in the world at napakaperfect nyo po. Sure. Keep it up.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

This! Sino ba naman ang may ayaw ng free milk diba? Mahal kaya ng formula πŸ™„ nakailang pedia nako tapos yung isa BF advocate pa pero sya mismo nagsabi sakin na kungdi talaga kaya, don't ever think that i'm a bad mom. Saka ko narealize na iba iba iba pala talaga lahat. May pinagpalad at meron ding hindi.

Magbasa pa
5y ago

Yun pa diba? Libre na healthy pa. Nagkanda sugat sugat na nipple ko sa ilang bwan na pagpapasuso. Kahit anong masabaw at malunggay kaijin ko, nagcapsules pako pero waley. Nagwawala anak ko sa gutom 😟meron pa 5 hours straight ko pinalatch naaawa nalang ako sa anak ko kasi yung mukha nya dismayado talaga saka gutom na gutom