rant

Nakakainis parati nalang akong sinasabihan tamad. Eh ako na nga naglilinis sa bahay. makita lang akong nakahiga o nakaupo o kumakain sasabihan ang tamad tamad at uutusang magkilos kilos ako. Sasabihin pa noong siya ang buntis ay nagtratrabaho pa siya at nakikipaghabulan ng jeep kahit kabuwanan na nya. ? ano naman kung ganon yung sa kanya eh wala ako trabaho eh kakaresign ko lang. Samantalang noong ako yung nagtratrabaho halos lahat ng sahod ko binigay ko sa kanila kaya wala akonh naipon para sa sarili ko. Naiintindihan ko na kailangan kong kumilos sa bahay dahil wala akong perang naipapasok ngayon sa pamilya pero wala ehm wala yung effort ko na pagtulong sa gawaing bahay... Hindi nakikita. Ang nakikita lang nila yung paghiga ko at pagkain... Nakakalungkot lang. Feeling ko ang inutil ko na talaga simula ng nabuntis ako. At dito parin ako nakatira sa bahay ng parents ko.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang yan mumsh. Atleast nanay mo yung nagsasabi masnmaskit pag byenan mo. Siguro nireready ka lang ng mama mo pag nagsama na kayo ng hubby mo. Ganyan naman talaga lahat ng nanay. Deadma na lang.