How To Be A First Time Mom Na Walang Kamuwang Muwang Sa Buhay ?
Ftm, 23yrs old. 30 weeks preggy, Natatakot nako. Sino bang ready manganak? At paano ko ba sya aalagaan kung wala talaga akong idea ? Kakakasal ko lang din, ngayun lang kami nagsama, wala din akong idea sa gawaing bahay, ang tamad tamad ko. ? Hays.
Matututunan mo yan eventually, lalo pag anjan na si baby. I am 24yrs old ng nabuntis, nakabukod agad kami sa mga pamilya namin, taga probinsya ako at walang kamaganak dito sa Maynila, iniiwan ako magisa nung buntis pako pag nasa trabaho asawa ko, 7 days ko lang nakasama ng buong araw si hubby pagkatapos ko manganak. Sobrang hirap, yung gusto ko ng sukuan ang buhay kasi pakiramdam ko walang nagmamalasakit samin, but we made it out the difficult days. Mag 8 months na si baby ko, walang biyenan na umalalay, just me and my hubby, and with the help of google and this app, at pedia ni baby. First time mommy, and Im so proud of myself.
Magbasa pa31 weeks preggy here. 20 years old. Di ako natatakot manganak tbh. Iniisip ko lang palagi na si baby nga naging strong para sakin sa loob ng 9 months at sa mga panahon na nagkasakit ako at kung anu ano pa nakitang problema sakin pero healthy pa din sya at malakas. Ano ba naman ung isang araw ako naman ung maging strong para sakanya para lang mailabas sya sa mundo 😇 wala din ako alam sa pag aalaga ng bata dahil di naman talaga ako mahilig sa mga bata 😅 pero for sure with God's grace malalampasan din natin lahat ng mga pagsubok bilang isang ina 😇 pray lang and think positive 😇🙏
Magbasa paIm 21 yrs old and solong anak so wala akong idea kung pano mag bitbit ng bata, magpadede, magpalit ng diaper at kung ano ano pa. Mahirap oo sa una pero nagtiyaga ako manuod sa youtube then yung mga tita at mama ko tinuturuan ako kung pano mag buhat at mag paburp sa baby. Tas Thankful ako kasi yung asawa ko chef kaya walang problema sa luto siya na bahala pero syempre as a girl kelangan kong matuto. Tas yung asawa ko mas magaling pa sakin mag buhat ng baby kung ano anong style pa nagagawa niyang buhat.Hahaha balang araw matutununan mo din yon 🤣 Patience mommy and Willingness to learn
Magbasa paKaya mo yan sis. Have faith. Always pray. Aq 21 nabuntis. Bumukod kami ung kami Lang. Nagwowork parin aq while buntis. Tumigil lng aq nong mag 7months na tiyan ko. Nakapag ipon para s panganganak at sa bb q. As in Kmi lng 2 ni hubby ko. So far Nakayanan naman. Halos lahat ng oras aq Lang nag aalaga sa bb nmin kc may work cya sa araw d rin cya pwdeng Mapuyat sa gabi. Mahirap pero nalagpasan din nmin. 9yrs old na cya now. And I'm 8weeks preggy again with our 2nd bb. Layo ng agwat 😄.
Magbasa paFor me wala namang specific time para maging ready sa pagiging mommy, kesyo bata ka nag anak or medyo may edad na. Instinct na lang kung baga, lahat naman siguro tayo ayaw mapabayaan anak natin at binubuo nating pamilya diba?. Start training yourself by motivating yourself na hndi na lang para sayo yung gagawin mo kundi para sa baby mo at sa pamilya na nag go-grow na. Pray and have faith, kaya mo yan mumsh. Labanan ang katamaran para sa kinabukasan ng ating mga supling, Aja!
Magbasa pa19 ako nung nagasawa. Wala din ako alam gawin nun kundi maglinis ng bahay. Asawa ko pa nagturo sakin maglaba, ni maghiwalay ng puti sa humahawa di ko alam. Pagluluto pinagaaralan ko pa til now. Wala namang age para maging ready sa pagiging asawa or ina. Kapag andyan na si baby instinct mo na mismo gagana. Willingness at courage mo na lang cgro ang mag mamatter. Lahat naman natututunan, hindi man instant pero unti unti. Ask ka lang ng help sa asawa mo. Kaya mo yan momsh!
Magbasa paKaya mo yan mamsh. Same din sakin 28 y.o na ako pero since na spoil ata ako ng parents ko wala din ako alam sa gawain bahay pero natututunan naman lahat yan lalo na pag supportive magturo ang husband mo. I'm sure lahat din ng FTM dito wala din gaano alam before lumabas si baby, lahat naman yan natututunan thru experience. Pray lang lagi at always have faith kay Papa God. God is Good and God will provide. 😊
Magbasa paNaalala ko sa'yo yung bestfriend kong spoiled sa parents nya. Di sya marunong sa gawaing bahay kasi focus sa pagaaral at palaging honored kaso after grad nabuntis. Luckily yung husband nya tinutulungan sya all the way and now grabe mas marunong pa syang magluto kesa sakin 😅
Hopefully magkaron ka din ng initiative and courage pagkapanganak mo.. you may start learning now, pwede ka manood ng mga youtube videos, at magbasa ng mga articles about motherhood and proper ways to care for newborn baby.. kaya mo yan.. lahat ng babae pinagdadaanan yan.. ☺
Same ftm momsh. Wala pa din akong experience sa pag alaga ng new born kasi malaki na pamangkin ko nung dinala sa amin noon. Nakakakaba. Nood nood ng tutorials sa pag swaddle, breastfeed, change diapers, etc ang labanan hehe. Kaya natin to!!!
Momma shark