rant

Nakakainis parati nalang akong sinasabihan tamad. Eh ako na nga naglilinis sa bahay. makita lang akong nakahiga o nakaupo o kumakain sasabihan ang tamad tamad at uutusang magkilos kilos ako. Sasabihin pa noong siya ang buntis ay nagtratrabaho pa siya at nakikipaghabulan ng jeep kahit kabuwanan na nya. ? ano naman kung ganon yung sa kanya eh wala ako trabaho eh kakaresign ko lang. Samantalang noong ako yung nagtratrabaho halos lahat ng sahod ko binigay ko sa kanila kaya wala akonh naipon para sa sarili ko. Naiintindihan ko na kailangan kong kumilos sa bahay dahil wala akong perang naipapasok ngayon sa pamilya pero wala ehm wala yung effort ko na pagtulong sa gawaing bahay... Hindi nakikita. Ang nakikita lang nila yung paghiga ko at pagkain... Nakakalungkot lang. Feeling ko ang inutil ko na talaga simula ng nabuntis ako. At dito parin ako nakatira sa bahay ng parents ko.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hndi sa inutil inuuna mo lang baby mo kung magtatrabaho ka ba may mag aalaga sa anak mo, mas maganda na sayo lumaki ang anak mo kesa sa iba ... Anjan nmn ata ung father ng anak mo eh suportahan ka sa financial