BWISIT NA SISTER-IN-LAW
Nakakainis momshies yung isang sister in law ko,naturingan na nag aral pero ugaling basura. Sa ngayon hindi kami nakabibigay ng bayad sa kuryente dahil sa hindi ako makapagwork at tricycle driver lang si hubby, eh maselan po akong magbuntis. Pampakapit ko is 5x a day., iba pa yung mga vitamins..then kanina nanonood lang ng tv si mister kasama ko,sinabihan ba naman kami na patayin ang tv ksi hindi naman daw kami nagbabayad ng kuryente. Eh samantalang yung ulam at tubig kami nagbabayad, 22 weeks preggy po ako..nagtimpi lang ako kanina pero gusto ko suntukin yung.malaking bunganga nya...nangutang nga kami para may pampacheck up yung tatay nya at mabilhan ng gamot samantalang sya aalis ng bahay na hindi man lang nag iiwan ng pagkain ng magulang nya. Ano po kayang magandang gawin sa kanya...