My LO is crying all day

Nakakafrustrate, nakakapagod, nakakainis, nakakaubos ng pasensya.. Alam ko wala naman kasalanan baby ko dahil di naman niya masasabi ano gusto niya pero may limit din ang magulang. Buong araw iyak ng iyak LO ko. 3 hours lang tulog niya maghapon and up until now, umiiyak siya whenever we put her down. 2 weeks old palang LO ko. Any tips mga mommies? Gusto ko na magpatiwakal dahil sa exhaustion sa pag intindi sa kanya.

80 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Swaddle mo sya mommy, baby ko kasi dati pag natutulog taz pag nagulat naiyak pero nung sinimulan ko syang i swaddle nako kahit anong ingay basta nakanalot sya derecho tulog taz magising lang pag gusto dumede. Try mo mommy.