6 Replies

Mahirap po talaga maging introvert in this extrovert-driven world 😅 Pero para po sa akin, I used to be the classic, stereotype definition of an introvert. But once I actually understood what being an introvert meant, socialization became easier for me. So basically, alam kong as an introvert ay limited lang ang aking social energy so I just make the most out of it while it last. Kahit may prejudice na ako beforehand na ayaw ko ng social gathering na to, or ayaw ko sa tao na ito. I'd try to avoid if I can but if I can't, I give myself an open mind and still try to enjoy the event. Usually, I still end up enjoying myself. Yung mga taong extremely intolerable at nakakadrain ng husto, I just try to avoid as much as I can. Be kind to yourself mommy. We're team *Alone but not Lonely!* Keep.an open heart and mind, and just focus your energy with the people that matters, if you have the chance ☺️ Actually, a part of me is worried na baka once maging teen na si lo and get his own life, baka magrevert back ako sa pagiging lazy homebody (not that masipag na ngayon) 🙈

I don't socialize with people, nilalabas ko si baby nilalakad ko Minsan tas may babati, ngingitian ko lang tas bubulong(pwera usog haha). Minsan may mga bisita mom ko sa bahay tas gusto Makita anak ko. hawak ko lang SI baby, ngingitian ko lang din sila, pag may question mostly mom ko sumasagot Minsan ako, but I never engage with the conversation. Nakatayo lang ako don talking to my baby in our own world lol pag check up Naman Wala din ako kinakausap, mom ko lahat, also my friends aunt works at the center Kilala na ko so abot ko lang card ni baby alam na niya yon hahahaha again pag may nag tanong saken sasagot lang ako, I will not ask them anything nor engage with a conversation like naalala ko yung mom na nakasabay ko sa check up with our Pedia, tinong if CS daw ako Sabi ko lang yes, tinanong kung ilang months SI baby Sabi ko lang 3 months end of conversation. nakahalata Naman na ayoko makipag usap hahaha

Pero pag check up niya mommy super tanong naman ako kay dra. Yun lang pag ibang tao tlga ayoko makipag usap, di po ako marunong makipag usap. 😅

hugs mi.. simula pagkabata introvert na ko at nakapag asawa din ng introvert😅 pero mga anak namin mukhang extrovert mas gusto nila lumabas at makipag socialize.. buti nalang ganon sila pero mahirap mag adjust samin mag asawa pero kinakaya namin... ang hirap din kung ikulong sila sa bahay lang.. kaya kung maaari kahit di kami sanay kami nag aadjust para ipakita sa mga anak namin ang buhay sa labas... di tulad namin na ok lang kahit andito lang sa bahay😊 sa sobrang introvert ko panay comment ko sa mga posts dito for 2years na.. pero naka anonymous lang ako🥲

Baka may social anxiety ka mii di lang introvert. Kasi ako ganon din po. Pero nilalabanan ko lang. Kaya mo yan mii. You can never please people. Nong magpapa check up ako sa health center super daming mommies at takot ako magtanong nga kung saang magpapa vaccine. The struggle is real 😂 pero ayern mii the more na ine expose mo sarili mo sa tao like makipag socialize ka parati,you'll get used to it.

Tapos nakatingin pa sayo ung ibang mommies na akala mo pinag uusapan ka noh? Struggle is real tlaga mii 🥹

VIP Member

Hello. I only try to focus on myself and my daughter. If may makikipag-usap kakausapin, if wala, tahimik lang and smile-smile. But if dalawa kaming mag-ina. Nakikipaglaro at nakikipag-usap ako sa anak ko, pero kapag focus siya sa laro niya at huminto na siya nangkakausap sa akin, I take that opportunity to rest.

Kailangan mong tanggapin na kahit anong gawin mo, mabuti man o masama, kung gusto ka ijudge ng tao, ija-judge kanila. Nasa kanila na yun, wala sayo. I also have that fear kaya nakikipag socialize ako, kung hindi man yung presence ko andoon, imagine kung gaano ka-energy draining ang umupo sa crowd tapos pa-smile-smile lang. Pero ganon talaga, na-judge parin ako as hindi namamansin or hindi bumabati, which for me mahirap gawin esp kung hindi ko kilala yung tao, at ayoko rin mapahiya na pinansin ko tapos hindi ako pinansin. And for me it takes a lot of energy to physically and verbally greet everyone and anyone. What I'm saying is, hindi natin mako-control utak ng tao. Kaya instead na mag focus ako sa sasabihin nila, focus na lang ako sa sarili ko at sa anak ko. Kami naman makikinabang ng ginagawa namin hindi naman sila.

TapFluencer

ok lang yan,mie...focus sa anak.Mas maigi nga ganyan kesa makihalubilo ka sa ibang tao ichismis ka lang...ganyan ngaun.Saka masaya nman bonding ang anak kasi pagmalaki na yan d muna magawa mga ginagawa mu ngaun...

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles