SSS Maternity

Hi, may naka-encounter po ba sa inyo nito upon claiming your maternity or filing your MAT2? Thank you.

SSS Maternity
21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ito ang opinion ko jan mga mommies. Maging honest na kasi ang iba sa atin na talagang nang malaman lang ang laki ng halaga na pwede makuha sa matben, ay doon lang nagka-interes magpa-miyembro, o kaya ay maghulog sa SSS. Karamihan ay hinabol lang ang bayad o kaya naman nagbayad sa mga counted na quarters for matben contribution pero after nun ay hindi na itinuloy dahil ang habol lang naman talaga ay matben. Hindi ba unfair din naman ito hindi sa SSS kung hindi sa mga members na duly contributing for their benefits whether employed, self-employed or voluntary? Medyo selfish tayo mga mommies kung super mag-eexpect tayo na ma-grant ang ating benefits tapos hindi naman tayo responsible members na nagbabayad ng contributions. 1. Kung maghahabol lang tayo ng contribution, always remember na ito pa rin ay isang sugal. 2. Pagdating sa SSS branch, dapat ay nilinaw ninyo ang inyong pakay. At naging open sa staff na nakausap. Ako po, ilang years nang hindi naghulog dahil lumipat ako sa government services. At sinabi ko talaga sa Main Branch ng SSS na gusto ko habulin ang july-september contribution for MATBEN. Sakto at 5 days ay matatapos na ang september that days kaya ang sabi sa akin ay to make sure na ma-count ang aking contribution magbayad na ako that day kahit october 31 pa ang nakita kong deadline ng quarterly pay. Which I did dahil pumunta ako doon ng handa ng records at pera kahit nagbabakasakali lang. PERO hindi pa rin nila ako binigyan ng assurance na 100% macclaim ko ang matben. 3. Kung hindi saiyo naipaliwanag ito, nakakalungkot nga po talaga. Hindi siguro naibaba ang memo that time. Pero masisisi ba natin si SSS kung ganun? Baka nakakita kasi siya ng pattern sa mga buntis na members na dumami ang mga humabol at nagcontribute lang sa quarters na pasok sa matben pagkatapos ay wala na. Sa kanila, panggagatas iyon sa benepisyo. Personally hindi ko masisisi ang SSS. May kakulangan ang parehong partido. 3. Kapag nagstart na tayo maghulog, let us try our best na panindigan ito para ma-claim din natin ang iba pang benepisyo ni sss. Magandang bagay din na may makumpleto natin ang hulog sa SSS ng 10 years pra sa pagtanda natin ay may pensyon tayo. O sa kung ano pa mang mga hindi inaasahang pagkakataon ay makaagapay ang SSS sa atin. Maraming salamat!

Magbasa pa
5y ago

i agree