Stress

Naiiyak ako kase sinabihan ako ng bf ko na “ Ang panget mo na nga, Ang panget pa ng ugali mo “ Sobrang nakakabababa ng self confidence yun. “ Buti sana kung maganda ka, Sobrang puti mo, sobrang sexy mo, Matatanggap kopa. Kaso ang panget mo na nga ang panget pa ng ugali mo! nakakahiya ka “ at ang dami nyapang pinagsasabe saken na sobrang kinaiyak ko. Nag away lang kami dahil napahiya siya sa mga tropa nya dahil di ko pinayagan mag inom tapos sasabihan nya ko ng kung ano ano? Na porket ang yabang ko na, Mapagmataas na daw ako, susuntukin na nga dapat nyako nakailang beses siyang aakmain ako ng suntok “ Kung hindi ka lang buntis nasapok na kita “, “ Nauurat ako sa mukha mo ang sarap mong sapakin napaka panget mo “ Tapos madami pa na kung ano anong masasakit na salita ang sinabe nya saken. Walakong magawa kundi umiyak nalang, Tapos maya maya nag sorry siya “ ikaw kase eh, Gusto ko lang naman baguhin mo yang ugali mo “ Hindi ko alam kung mag sstay parin ako sa mga nasabe nya. Gusto ko na lang makipag hiwalay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko???

65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Know your worth and leave. Pag hinayaan mo na ganyan ganyanin ka lang nya mas malala pa sa susunod yan baka masaktan ka na physically madamay pa anak nyo. Ung mga ganyang klaseng tao di pinaglalaban. Ung alak nakarating na sa utak kaya palyado na pagiisip. Tarantado po yang asawa mo di karapat dapat ipaglaban. Seek help from your family.

Magbasa pa

Hay nako gorl di ka mahal nyan. Unang una if he cares and loves you di nya gagawin yan. A sincere person should never ever let someone down sa mga masasakit na salita. Kinakabahan ako pag naging asawa mo yan baka mas malala pa tapos makikita pa ng mga anak nyo na ganyan ang turing sayo. Very wrong gorl. Not ideal and husband material. 😔

Magbasa pa

Wala siyang respeto sayo. Imagine living your life with those words everyday. Kaya mo ba? Makakasurvive ka pero araw araw mababaon sa lupa yung self confidence mo. Love yourself mommy lalo na at buntis ka. Need ka ng baby mo. Kung mahal ka niyang bf mo hindi ka pagsasalitaan ng ganyan lalo na at buntis ka. Better makipaghjwalay ka na lang

Magbasa pa

Sis SA totoo Lang sinasabhan AKO Ng ganyan Ng partner ko d KO dinadamdam pero Nung nagbuntis ako iyaken at mapagpatol ako biro Lang kc samin Yang ganyang salita Kaya pg d laging nabbanggit at masakit ang pagkakasabi mada down Ka talaga, Sis lakasan mo loob mo hayaan mo sya sino ba sya para saktan damdamin mo!. Walang panget na Tao sis

Magbasa pa

Nung di ka pa buntis ganyan na sya mag salita sayo? kasi baka sya ang naglilihi.. may ganung case daw kasi si boy ang maglilihi. ..pero kung ganyan na ugali nya since day 1 ...di na yan maganda... kung kaya mo namang iwanan at buhayin c baby... humiwalay ka na sis... d pa nga kau kasal gnyan na ugali nya ..how much more kung kasal na kau

Magbasa pa
4y ago

Hindi po totoo na asawa nya ang naglilihi, walang ganon. Belief yan and it doesn't make sense, masama lang talaga ang ugali ng partner nya.

Nako hiwalayan mo na po yan. Yung oag amba palang ng suntok e maling mali na. Saka kung mahal ka bat ganan ka salitaan. Kahit gaano kami magaway ng hubby ko d nag sasalita ng ganan. Nagmumura sya pero never nya ko dinegrade. Kahit mabaho hininga ko d nya pinupuna sasabihin nya lang mahal nya ko.

VIP Member

Jusko, mahal ka ba tlga niyan? Walang respeto sayo. Di niya ba alam na ang hirap pg buntis? Ang sarap ipatulfo ng mga ganito😂 Samantalang ung asawa ko nung buntis ako, kahit panget na panget ako sa sarili ko. Lagi niya pa din sinasabi na maganda ako kasi dala ko anak namin. Nakakaloka yan😩

Hindi nyo po deserve ang tratuhin nang ganyan. Paulit2 nya pong gagawin Sa'yo yan, ang masama pa sa harap ng anak niyo po. Mas mabuti pang hiwalayan niyo nalang sya and siguradohin niyo pong ma kuha ang financial support na kailangan ng baby niyo. Ang ganyang ugali mahirap na pong baguhin.

gurl, hiwalayan mo na yan ndi mo pa asawa eh my ganyan na, bka pagnanganak ka na mabugbog ka na nyan hihintayin mo pa ba un, oo mahal mo siya pero mas mahalin mo sarili mo at ung bata, kung my tendency xa na sakatan ka walang duda baka masaktan din nya magiging baby nyo.

kung d k buntis ssaktan ka niya ganon yun! kahit di mo sya payagan mag inom wla sya krptan sbhan ka n panget ka. whether totoo o hndi wla sya right manlait. baka ggss sya kya ang panget mo s paningin nia. gago ang ganyang lalaki puro bayag lng pero walang manners.

4y ago

Walang mali sayo, sa jowa mo. Apaka panget ng ugali.