65 Replies

.naku girl ..umuwi kna sa inyo ..grabe nman sya makapag salita... Qng makapanget ...baka sya Ang panget ..!!! ..nakakainiss Ang ganang lalaki ... Naku qng ako sau uuwi nalang aq samin ..qng talagang Mahal ka nya sya Ang mag babago ..porket di mo sya pinayagan sa inuman qng ano ano sasabhin sau???my gosh!! ... Dapat nga nag iiwas na sya mismo sa barkada Nia KC mag Kaka baby na kau at di na sya binata ... Ikaw pa masama ugali??? Ganan din aq sa ka live in q ... Sabi q Lang sknya "qng di pa sya handang mag pamilya uuwi nalang aq at wag na kami mag pakasal mag enjoi nlang sya sa barkada Nia basta wag niang hahabulin Ang anak Nia " Kya sya na mismo naiwas SA inuman KC kami daw priority nya ... Kya Sana mag isip ka girl ..di mo deserve yang ganang lalaki

Boyfriend ko nga mas maputi at makinis pa sakin, literal na makinis, chinito pa. Sobrang insecure ko sakanya. As in. Ung lagi akong nagiisip na baka ipagpalit nya ko sa babaeng sobrang puti at kinis. Pero never nya pinaramdam sakin un. Morena lang ako at di ganon kakinisan. Andami ko na ding stretchmarks dahil single mom ako. Never ko nafeel na pangit ako pag kasama ko sya. Lagi nya ko hinahalikan sa noo. Every morning hihilain pa ko para i-hug at ikiss, magaaway man kami pero wala syang babanggitin na ganyan. Di pa un mahilig tumingin ng mga babae sa fb at ig. Pero yang jowa mo ubod ng sama ang ugali. pakita mo nga mukha ng malait lait din natin. Sarap tampalin eh.

Iwan mo nalang yan..sobra naman yung mga sinabi nya sayo..below the belt na yun..pano pa kaya kung matagal na kayong nagsasama??ano pa yung mga masasakit na salita ang maririnig mo sa kanya??at ano pa yung mga posible nyang gawin sayo??ngayon ngalang na buntis ka gusto ka na nya saktan pero di nya lang magawa dahil nga sa buntis ka..pero panu pag nakapanganak ka na?panu pag di ka na buntis??tototohanin na nya yung banta nya sayo..kaya kung ako sayo hiwalayan mo nalang sya habang maaga pa at di nya pa nagagawa yung mga sinasabi nya..di na po kase uso ang martir ngayon..pede na tayong lumaban..

Parang dapat nirereport mo na siya sa vawc? Grabe yan emotional abuse na nakukuha mo just because hindi lang siya napayagan umalis.. Gusto daw nya kasi matuto ka na baguhin sarili mo? Eh siya kailan din siya mag aadjust? Wala siya respeto sayo. Sana man lang ikaw, may sapat ka respeto sa sarili mo. Ibigay mo sa sarili mo kung ano ang deserve mo. ❤ BTW... mga mamsh, paminsan minsan payagan nyo din naman kasi sila lumabas with friends. Wag kayo masyado mahigpit. Or encourage nyo dumayo na lang sa haws ninyo yung friends nya para nakikita mo kung anu klaseng tao yung mga kasama ni hubby mo.

VIP Member

Yan kc problema stin pag may knakasama na tayo nawawala na ung trust ntin sa knla lalo na pag lalabas cla at mag eenjoy..mga momshie ganyan din aq dati pero natuto aq at pinairal q ung pagiging mapag pasensya sa lahat ng bagay payagan nyo po pero may limitasyon pero wag nyo sakalin kya cla nkakapagsalita ng d magnda stin tapos tau masasaktan give and take ikaw nga lalo na naglelevel up na pagsasama nyo ganyan kami kaya never kami ngaway ng malala tampuhan lng at d nmin pinapatagal matuto magsabi ng sorry and keep praying for good relationship😊👍🏻

Grabe sis. Malala na yan. Ganyan pala tingin nya sayo. Lumalabas pag galit sya. Walang respeto yan sayo. Iwanan mo na. Wag mong antayin na ipagpalit ka nyan sa iba. Bastos yang jowa mo. Hayup sya. Ako nga laitin lang ako konti ng jowa ko sobrang inis na inis na ko. Ganyan pa kayang inapak apakan na pagkatao mo. Wag mo gawing excuse dahil pinaghipitan mo sya kaya sya ganyan. Di tama un. Kahit saang anggulo mo tignan. Pwede syang magalit sayo pero ung lait laitin nya pagkatao mo, below the belt na un

sis ako may hinanakit din ako sa bf ko sya nman kasi ayaw nya amimin sakin na may nililigwan syang iba samantalang nahuli na sya ng kaibigan ko..hindi porke buntis ako gagwin nya ng ganun sakin kaya sinasabihan ko sya lagi na kung may liligwan man syang iba ayaw masakit man sakin i give up nanamen ang isat isa..gabi gabi nalang ako umiiyak iniisip ko lagi ang anak na dinadala preggy din ako 6monts na..ayaw kung kimkimin sakit ng loob ko..

Hiwalayan mo na yan habang maaga pa... Alam mo na mangyayari sa future mo pag ganyan, after nya mag salita ng ganun sayo? Isang sorry lang tapos na? Wala na? Sa susunod na mag away kayo ganyan na naman yan... Mas mainam pa na maging single mom ka kesa yan ang kasama mo araw araw... Wala. Syang respeto sayo tandaan mo yan.. Habang maaga pa iwan mo na yan, di mo deserve ang mga ganyan lalake...

Just leave him. You don't deserve that kind of a boy. Sis kung mag i stay ka para sa anak nyo lalo ka lang masasaktan. It's not being selfish na makipaghiwalay sa knya dahil he treats you like a trash. Or more than that. Maging matapang ka na hiwalayan sya after all makakakuha kapa nmn ng sustento sa pagbubuntis mo, madali lang yan ilapit sa batas. Know your worth pls

VIP Member

LoL. Never ko hinayaan na ganyanin ako ng lalake. Kahit mas maputi, payat at mas makinis siya sakin. Nako. Pagsinabihan na ako ng panget taz aambahan ako ng sapok.or tinatakot ako nasasaktan ako. 🙄 Linalabasan ko sila ng baril at pinapalayas sa bahay ko. 💪 Di dapat ginaganun ang babae. Buti sana kung ginto ang mga bayag nila. Eh hindi din naman.. my ghad.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles