Di kami magkasundo sa Budget

Naiinis ako sa asawa ko. This month natanggap ng asawa ko yung 13th month pay nila while ako naman po natanggap ko na din ung mga benefits ko sa trabaho. So ito na nga po ang hawak naming pera ngayon ay almost 50k. Gusto niya po ipagawa yung bahay nila at yung bahay namin ngayon, na estimated 20k ang magagastos sa dalawang bahay. Sabi ko sa kanya, tska na namin ipagawa pagkatapos ko manganak (this June po kabuwanan ko) kasi di naman namin masasabi kung magkano magagastos namin sa ospital kahit sabihin plano ko manganak sa public hospital. Ang katwiran niya po, ngayon na daw namin ipaayos dahil mag tatag-ulan na sa June at may inaasahan naman po akong matatanggap sa SSS. Ilang beses po namin pinagtalunan hanggang sumang-ayon nalang siya sa akin. Ngayon naman po, gusto niya magpakabit kami ng cable, 500 a month lang naman daw po. Sabi ko wag muna kasi sayang yung 500, kapag lumabas na si Baby, pandagdag na rin yun sa pambili ng gatas, diaper o sabon niya. Sabi niya sa akin nagiging accountant "NA NAMAN" ako. Nasaktan po ako ng konti doon. Tingin niya yata sa akin puro nalang pera. Gusto ko lang naman unahin ung baby namin kaya binabudget ko yung pera namin. Sa huli ako naman ang nasusunod, pero naiinis pa din ako sa kanya kasi di niya iniisip yung future.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pagbigyan mo nlng sa 500 ., Para di ma boring Ang Asawa mo ..Maya gumawa NG Kung ano ano Yan ..Kasi katwiran nya puro ka kontra ... Hayaan mo sya sa 500 malibang sya ..Kung Baga may mapuntahan Naman kahit papano Ang Pera nya .. di nman para sa kanya Yun .,para din sa inyo Yun .libangan nyo Lang pag pag nasa Bahay kayo ..tandaan Kaya po Tayo nag tatrabaho para mabili Ang gusto natin ... Hayaan po natin Ang Asawa natin sa mga simpleng bagay .,Kasi pag ganyan po Tayo sa susunod mag kapera Ang Asawa natin "pagtataguan na nila Tayo NG Pera "

Magbasa pa