11 Replies
wag ka po mag pastress 😊 . ako nung first baby ko halos wala talaga ako gatas. 1month na dn si baby non and sobrang hina padn ng gatas ko. pero di ako nag give up, pinapalatch ko padn lagi si baby sakin kahit halos wala sya madede, nag papump ako every 3-4hrs kahit halos wala ko makuha. ayun lumakas naman ng sobra nung 1 and half month na si baby to the fact na nakakapag share pa ko sa iba ng breastmilk. 😂🤣
Hello po ganyan din po ako nung una 1 oz nga lang po e. Nag malunggay capsule at sabaw po ako more more water din po tsaga lang magpump kada 3 hours nakaka 4-6 oz na po ako kada pump wag lang po papaapekto sa sinasabi ng iba kaya po natin to 💖
nako ako din be mula pagkalabas ko ospital 5 days bago ako magkaroon ng gatas ginawa ko lahat ngaun nman na may gatas nako ayaw na ng anak ko dumede sakin naiyak xa todo pag pinilit ko dede ko na stress tuloy ako
Hi po! Tanong ko lng pag ba matigas ang breast nanay dahil may gatas na lalambot ba yun pag ipa dede lng ng ipadede sakin kc ang bilis tumigas kaya pag na dede baby patak lng nasi sipsip nya salamat po.
mag hot compress po kayo mas maganda po kung ipapump
stress will hinder you more sa pagproduce ng milk. unlilatch mo si baby and continue taking malunggay caps or inom malungay supplements. inom madaming water at wag magpastress.
Ako nung 19 lng na cs after 2days ngka gatas nko inuulam ko masabaw at nilalagyn gulay..iinum din ako malungay cap.nto mix muna ko ngayun kc paumpisa p lng gatas ko..
ambag na lang kamo sila pang gatas at diaper mami, kapag walang ambag hindi valid yung kuda 😁
more on sabaw na gulay ka mi lalo na ginataan yun nagpalakas ng gatas ko lagi na tumatagas saakin
pump every 2hrs mii malakas un maka boost ng gatas. sabayan mo pa ng milo at malunggay
malunggay na pinakuluan gawin nyo pong tubig. yun ang inumin nyo, effective po libre pa
koby