paadvice naman po
nahihirapan na kasi ako sa asawa ko... nakakainis narin eh... kasi po ang pamilya nya sakanya umaasa eh.. pagwala yun kapatid nya pera sakin manghihingi pupunta sa bahay.. o yung mama nya pag mai kelangan lang magpaparamdam... pag wala ko mabigay mangsusumbat sya na porke mayaman o kung ano pa.. wala ko trabaho ngayon d naman pwde na hihinge nlng ako lagi ng pera pang bigay lng sa pamilya nya andito na nga ko sa parents ko nakakahiya na.. ang problema sa family nya puro asa nlng sa asawa ko .. nakakapagod na nagbibigay naman ako pati parents ko sakanila tapos mangsusumbat pa sya... ang taas rn ng pride nya at d mapagsabihan kapatid nya ... tska magkakababy na kami... salamat po sa sagot niyo

Pag usapan niyo sis. Ako kase sinabihan ko lip ko specially sa pag papautang sa kamag anak niya. Pinag stop niya kase ako sa work kaya siya lang inaasahan namin. Sakin okay lang naman nag bibigay siya sa mama niya, minsan problema ko lang nakapag abot na siya pero hihingi parin sa kanya alam naman na wala ako work at siya lang inaasahan namin dalawa. Tapos minsan kahit gipit kami pag nanghiram tita niya, papahiramin niya ng di ako sinasabihan, kapag need naman namin kami pa nagsasabi para magbayad kaso lagi sinasabi wala. Point ko lang naman kapag wala kami sana matuto siya tumanggi. Okay lang sana kung maibalik agad, kaso 2 months na di parin bayad. Ilang beses na kami nagigipit wala kami maasahan. Kaya kinausap ko siya about dito and naintindihan naman niya ako. Di ko naman gusto na magdamot siya, pinaliwanag ko sa kanya na gusto ko lang na limitahan niya kase nagsisimula na kami bumuo ng pamilya. Pag usapan niyo sia, maiintindihan ka din ni hubby mo 😊
Magbasa pa

