Nagtry kami magtingin ni hubby sa mall kanina, at medyo nastress ako kasi mas narealize ko na sobrang daming dapat bilhin na gamit para kay baby. π
Tapos sobrang nalito kami sa dapat bilhin, like
1. anong pinagkaiba ng receiving blanket, hooded blanket, muslin blanket, at pranela blanket? At tig-iilan po ba ang recommended nyo mga sis?
2. yung hooded blanket ba eh yun na yung receiving blanket? Dalawa lang kasi binili namin na hooded blanket, di naman alam kung sapat na yun.
3. pwede din ba gamitin si hooded blanket para pangswaddle? Kasi isa lang binili namin na muslin blanket, tapos malaki pa. Balak namin na ipanlatag na lang eto sa comforter pag hihiga si baby sa crib.
4. 6 na lampin? Pwede na ba yun? π
Balak naman naming bumili nung maliit na pack ng diaper, para di sana mahirap sa hospital pagka-anak.
5. okay lang din ba na kung pang-3 to 6mos. na sana yung bibilhin namin na damit para may allowance na agad kay baby? And tig-3pcs. each (long sleeves, short sleeves, sleeveless, pajamas, at shorts) lang sana bibilhin namin.
6. Pwede bang di na kami bumili ng strerilizer?
Based sa experience nyo mga momshies? Share naman please. βΊοΈ
#pregnancy #adviseplease #shareyourexperience