Yung anak ko nung 2 years old bumili sya ng sisiw yung may kulay 6 yun tapos napalaki namin yun kasi nga gusto nya ng manok pero syempre kailangan katayin😅 tapos yung last na manok na kinatay nakita nya akala namin ok lang sa knya kasi nakatingin lang sya start nun di na sya kumain ng manok 4 years old na sya ngayon ayaw nya talaga kahit balat pati baboy ayaw nya kasi favorite nya si peppa pig gulay lang kinakain nya at isda..tapos ngayon pag nakakita sya ng kuting kinukuha nya andami na naming pusa kakadampot nya..
Animal lover din ako sis, nag rerescue ako ng dogs and cats esp nung di ako preggy pero ngaun bawas bawas muna. Naging pescatarian din ako, fish and veggies lang kinakain ko. Bata palang ako sobrang hilig ko na sa hayop, pag nagbebenta ung nanay ko ng alaga naming baboy ayoko na makita. Minsan may nakita ako na dog sa slex nirescue ko talaga tpos wala ng space sa bahay namin need ko cya rehome, nilagnat ako habang naghahanap ng aampon sa kanya.
Animal lover din ako ako may marinig lang na asong umiiyak pati ako naiiyak na meron akong dalawang aso hindi ako maka pag adopt dahil maliit lang ang bahay namin nag bibigay nalang ako ng kaunting tulong sa mga nag re rescue
Parang natraumatized ka, mommy. May alaga ka bang pet ngayon? As long as you're not having nightmares and panic attacks, I think normal lang na ganyan since nakakatrauma nga to see your pet dog na ginganon at such a young age.
Un ang hrap pg ngka Trauma ang isng bata o tao mhrap mwla s icp.. Animal lover dn aq ayoko tlga nkakakita mga kinakawang mga aso ano p man mei feelng dn xe mga yan nssktan at umiiyak dn..
Ako din ayaw ko na may nakikitang kinakatay na hayop sa harap ko. Lalo na pag titignan mo ung mata nilang humihingi ng tulong
Anonymous