Pa advice naman po

Super layo po neto pero ishshare ko na din dahil naiinis na ako. Sobrang inis na inis po kase ako sa aso ng boyfriend ko, ang ingay ingay po kase sobra, konting kibot, tatahol agad, may marinig sa labas tatahol, dadating yung boyfriend ko tatahol hays sobrang inis na inis na ako tas ihi pa ng ihi sa loob ng bahay. Isa lang po ang aso niya, and may aso din po ako pero 3 yung aso ko. Di nakatira yung bf ko sa bahay, so dinadala niya lang everyday yung aso niya sa bahay dahil walang mag babantay. Naiintindihan ko naman po yun, pinapaalaga niya sakin aso para makapag work siya para samin ni baby, buntis din po kase ako ngayon. Pero halos every week na namin pinag tatalunan, gusto ko ipamigay niya na lang sa kapatid niya yung aso niya kaso ayaw naman niya dahil siyempre nga po alaga niya yon. Pero kase sobra na ang ingay ingay na hindi pa masaway nangangagat pa ilang beses na din ako nakagat ng grabe ng aso niya ngayong buntis ako. Yung mga aso ko naman behave lang, hindi sila pala tahol katulad nung sa aso ng bf ko kaya bwiset na bwiset ako. Eh after a month dito na siya saamin titira dahil malapit na ako manganak, so ending is kasama yung aso niya. Gustong gusto ko na talaga ipamigay aso niya kaso ayaw niya. Ayoko din po na nandito aso niya habang may baby dahil nga sa ingay ayoko po magising yungbaby ko dahil sa tahol ng aso niya huhu hirap na hirap na ako ilang beses na namin tocpinag tatalunan halos mag hiwalay na kami ng dahil sa aso niya :(((( #advicepls #pregnancy

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

sa kwento nyo po mukang mas mahal nya yung aso nya kasi halos manganib na buhay nyo ng baby mo di prin nya kayo iniisip. natanong nyo na po ba ulit kay hubby mo if baka may iba pa syang kamaganak na pwede magalaga hindi yung sayo na buntis ka. bawal po kayo mastress mommy kc buntis ka .. so dpat po nilalayuan nyo ang mga stress sa buhay nyo. pray lang din po kayo.

Magbasa pa
4y ago

Yun nga po eh ilang beses na akong nakagat, nag makaawa na ako sakanya na ilayo niya sakin yung aso niya dahil baka sa susunod masaktan ko na aso niya sa sobrang inis ko pero lagi niyang dahilan walang mag babantay sa aso niya paulit ulit lang hanggang sa mag away na kami hays. Nakakapagod na po talaga makipag away sakanya gusto ko na hiwalayan dahil sa aso niya.