ako lang ba??animal lover ?
nagstart to nung bata(grade 3 ata ako) ako simula nung kinatay sa harap yung aso ko..nagkulong ako sa banyo at tinatakpan ko dalawang tenga ko habang umiiyak dahil ayoko marinig yung masakit na sigaw na parang humihingi ng tulong yung aso ko..pinamulutan ng papa ko at kainuman nya yung aso ko..halos manginig katawan ko nun habang pumapalahaw sa iyak..then nung nag hs ako napanood ko naman yung sa kjms nun..yung kinakatay yung mga hayop..yung pinapainom ng isang boteng suka yung kambing bago patayin..tuwing nakakakita ako ng ganun di ko na tinutuloy panonood ko dahil nanginginig talaga katawan ko at umiiyak ako..nag aampon din ako ng mga pusa at aso..di rin ako kumakaen ng karne maliban sa isda..